Saturday , November 16 2024

DOTr Secretary, iba pang opisyal, hinamon sumabay sa obrerong ‘commuters’

HINAMON ni Senadora Nancy Binay ang mga opisyal ng pamahalaan lalo ang Department of Transportation (DOTr) na subukang magkomyut upang malaman ang nararamdamang hirap, pagod at pasakit ng mga manggagawa na katuwang ng pamahalaan para iahon ang ating ekonomiya, tuwing pumapasok sila sa trabaho sa pamamagitan ng mga public at mass transportation.

 

Bukod kay Binay, iginiit din nina Senador Francis Pangilinan at Joel Villanueva na magkaroon ng maliwanag na plano para sa mga manggagawang commuters.

 

Nauunawaan umano nina Binay, Villanueva at Pangilinan ang nais na pagbibigay ng proteksiyon sa kalusugan ngunit mahalaga rin na maisalang- alang ang pagiging komportable ng mga manggagwang commuters.

 

Magugunitang sa unang araw ng general community quarantine (GCQ) at unang araw ng pagbabalik sa trabaho ng ilang manggagwa ay naranasan ang 3-4 oras paghihintay bago makasakay.

 

Iyong iba ay naglakad ng ilang oras para makarating sa trabaho samantala ‘yung iba ay hindi na lang pumasok dahil walang masakyan.

 

“Ano ba talaga ang plano ng DOTr sa commuters? Three months under ECQ and still they have no clear plan in place. What happened to foresight? Mabuti sila’t aircon ang mga sasakyan. E kung subukan kaya ng mga opisyal ng DOTr mag-commute mula sa kani-kanilang bahay papasok sa opisina nila (sa Clark City o Ortigas)? Dapat maramdaman nila ang hirap na pinagdaraanan ng commuters. They won’t be able to plan well if they don’t feel and understand the people’s daily struggles,” ani Binay.

 

Naniniwala si Binay, mukhang hindi ganap na handa ang pamahalaan ukol sa pagbiyahe ng mga manggagawa.

 

“Napaka-unfair sa commuters na ‘yung private vehicles ay walang restrictions bumiyahe. Napaka-limitado ng choices nila. DOTr knew that Metro Manila and the rest of the regions will soon be transitioning to the new normal. They knew that 30% of those in NCR will start going to work by June 1 — tapos ang ide-deploy e truck ng libreng sakay which compromise and breach all health protocols particularly physical distancing,” dagdag ni Binay.

 

“Our economy has been the prime consideration in the decision to relax our quarantine restriction, but sadly, it appears we forgot about the mobility of our workers in our desire to jumpstart the recovery,” ani Villanueva, chairman ng Senate committee on labor, employment, and human resource development.

 

Binigyang diin ni Villanueva, malaki ang papel ng mass transportation sa pagpasok ng mga manggagawa at sa pagbangon ng ekonomiya mula sa pandemya.

 

Nagtataka sina Binay, Villanueva, at Pangilinan kung bakit hindi ibalik agad ang mga sasakyang katulad ng jeep na isa sa pangunahin at madaling paraan ng transportasyon.

 

Ipinunto ng mga senador na hindi na dapat pang asahan ng pamahalaan ang private sector sa pagbibigay ng transportasyon sa kanilang mga manggawa dahil hindi lahat ay may kakayahang gawin ito lalo ‘yung maliliit at napektohan nang husto ng pandemya. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *