Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suportang batas para sa local hospitals hiniling

“SANA sa panahon ng pandemic, suportahan  natin ang pagpasa ng batas na makakatulong sa ating mga kababayan.”

 

Binigyang diin ito ni Senate committee on health and demography chair Senator Christopher “Bong” Go sa kanyang sponsorship speech kaugnay sa panukala para sa improvement ng dalawang government hospital, kabilang rito ang isinulong sa Kamara na House Bill 6036 at House Bill 6144.

 

Sinabi ni Go, kabilang ang  panukalang dagdagan o taasan ang kakayahan ng Cagayan Valley Medical Center na kasalukuyang Level 3 DOH hospital  sa Tuguegarao City na tumutugon sa mga pasyente sa Region 2 at mga kalapit lalawigan ng Cordillera Administrative Region (CAR) gaya ng Apayao, Kalinga at Ifugao.

 

Sa kanyang talumpati sa Senado, sinabi ni Go, noong 2018-2019 nakapagtala ang CVMC ng 6,155 hospital admissions na mas mataas sa kanilang pamatayan.

 

Isa ito sa dahilan kaya isinusulong ang pagpapataas sa bed capacity ng ospital mula 500 patungog 1,000-bed capacity.

 

Samantala, tinukoy ni Go ang improvement ng bed capacity ng Las Piñas General Hospital and Trauma Center na mayroong 200-bed capacity gayong ilang lungsod at bayan ang sineserbisyohan nito.

 

Sa kasalukuyan, mayroong 200 bed capacity ang LPGH at target itong maitaas sa 500 beds para makatulong  sa mga pasyente sa lungsod at mga kalapit na lugar lalo ngayong panahon ng COVID-19 pandemic. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …