Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Navotas

Cash incentives ipamamahagi sa public school graduates sa Navotas

NAWALAN man ng oportunidad na makaakyat sa entablado para kunin ang diploma dahil sa ipinaiiral na health protocols sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sanhi ng pandemyang coronavirus, hindi naman mapipigilan ang graduates ng Navotas na makuha ang kanilang cash incentives mula sa pamahalaang lungsod.

 

Inianunsiyo ni Mayor Toby Tiangco nitong Lunes na mamamahagi ang pamahalaang lungsod ng P3.8 milyong halaga ng incentives sa 6,037 graduates ng mga pampublikong paaralan simula 16 Mayo hanggang 30 Mayo 2020.

 

Ang graduates sa elementary ay makatatanggap ng P500. Ang mga nagsipagtapos sa high school at kolehiyo ay makakukuha ng P1,000 at P1,500.

 

“By batch ang pamimigay natin para masigurong masusunod ang social distancing. Naabisohan natin ang mga school principal para sa iskedyul ng kanilang paaralan,”  ani Tiangco.

 

“Karamihan sa mga benepisaryo natin ay mga menor de edad at bawal lumabas ng bahay. Maaaring ang mga magulang o guardian nila ang kukuha ng incentive,” paliwanag niya.

 

Ang mga kukuha ng incentives ay kailangang may dalang home quarantine pass, authorization letter na pirmado ng graduate, photocopy ng school ID ng graduate na may tatlong pirma, at photocopy ng kahit anong valid ID ng magulang/guardian/kinatawan na may tatlong pirma.

 

“Magsuot ng mask kapag lalabas kayo. Siguruhin na natatakpan ang inyong ilong at bibig, kung hindi, hindi kayo mapoproteksiyonan ng inyong mask laban sa COVID-19,” paalala ni Tiangco.

 

Nagsimulang mamigay ang Navotas ng graduation incentives noong 2019 para mahikayat ang mga estudyante na tapusin ang kanilang pag-aaral o masuportahan ang mga pre-employment needs ng mga nagtapos sa kolehiyo. (JUN DAVID)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …