SUMALANG ang tricycle drivers sa lungsod ng Caloocan sa bakuna kontra CoVid-19, sa Camarin D Elementary School, kahapon.
Nasa 600 tricycle drivers ang inaasahang mabibigyan ng unang dose ng Moderna vaccine sa araw na ito, ayon kay Caloocan City CoVid-19 Vaccination Action Officer Dra. Rachel Basa.
Ang inisyatibong ito ay mula sa direktiba ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga tricycle driver para sa dagdag na proteksiyon habang sila ay naghahanapbuhay.
“Ang ating mga tricycle driver ay kabilang sa essential workers o economic frontliners. Mahalaga na maprotektahan natin sila hindi lang para sa kanilang sarili kundi para sa kanilang pamilya at komunidad,” ani Mayor Oca.
Tatanggap ng tricycle drivers na nais magpabakuna ang Camarin D Elementary School ngayong araw mula 8:00 am hanggang 4:00 pm, depende sa availability ng bakuna. Magdala lamang ng valid ID, sariling ballpen at huwag kalimutan ang facemask at face shield. (JUN DAVID)
Check Also
A New Era of Vehicle Protection is Here with Prestone’s 5X Superior Protection Guaranteed
The #1 Brake Fluid and #1 Coolant in the Philippines unveils the new look of …
Mga kilalang OPM artist nakipista sa Bacolod Puregold MassKaravan at Concert
SAMA-SAMANG dinala ng mga hip-hop icon na sina Skusta Clee at Flow G at PPop megastar na SB19ang panalo spiritsa Puregold …
DOST Region 02 Expands STARBOOKS Access in Sto. Tomas, Isabela
The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 continues to expand its STARBOOKS program …
Miguel mala-Ken Doll sa Belle Dolls launch
RATED Rni Rommel Gonzales NAGMISTULANG Ken Doll si Miguel Tanfelix sa piling ng tatlong Barbie Dolls na …
PlayTime binigyang papremyo mga nagwagi sa Binibining Pilipinas
NAGKALOOB ng papremyo ang PlayTime, lumalagong online gaming entertainment platform, sa mga kandidato ng Binibining Pilipinas na nanalo ng …