JERUSALEM – Batid ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na depektibo ang amnestiya na ibinigay niya kay Sen. Antonio Trillanes IV at iginawad ito dahil kakampi niya ang senador.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, political accommodation ang dahilan nang pagkakaloob ni Aquino ng amnestiya kay Trillanes kahit hindi sinunod ng senador ang requirements para makakuha nito.
Nanindigan ang Palasyo na walang bisa ang amnestiya kay Trillanes.
(ROSE NOVENARIO)