Tuesday , February 7 2023

Utos ni Duterte: Trillanes ibalik sa kulungan

JERUSALEM – Inutusan ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na gawin ang lahat ng legal na paraan upang maaresto at maibalik sa kulu­ngan  si Sen. Antonio Trillanes IV.

Dalawang araw bago nagtungo sa Israel si Pangulong Duterte ay nilag­daan niya ang Proclamation 572 na nagpawalang bisa sa amnestiya para kay Tril­lanes dahil sa paglabag sa mga kondisyon bago iginawad sa kanya.

“The Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police are ordered to employ all lawful means to ap­prehend former LTSG Antonio Trillanes so that he can be recommitted to the detention facility where he had been incarcerated for him to stand trial for the crimes he is charged with,” ayon sa Proclamation 572.

Ilan sa mga naging ground ng revocation sa amnesty ni Trillanes ang hindi pagtugon sa require­ments na itinatakdang kondisyon sa pagkaka­loob ng amnesty.

Halimbawa, ang hindi pag-amin ng kanyang pagiging guilty noong July 2003  Oakwood mutiny, Philippine Marines stand off noong February 2006 at Manila Peninsula siege noong 2007.

Ipinagkaloob ang amnesty kay Trillanes ni dating Pangulong Benig­no “Noynoy” Aquino III noong 2010.

ni ROSE NOVENARIO


Alam ni Ex-PNOY: Amnestiya depektibo
Alam ni Ex-PNOY: Amnestiya depektibo
Salag ni Trillanes: Pagbawi political persecution
Salag ni Trillanes: Pagbawi political persecution
Pagbawi sa amnestiya kay Trillanes, Kabaliwan — Solon
Pagbawi sa amnestiya kay Trillanes, Kabaliwan — Solon
Senate president ikinustodiya si Trillanes
Senate president ikinustodiya si Trillanes

About Rose Novenario

Check Also

Minahan ng apog sa Danao, Cebu gumuho
PASTOLERA NG BABOY NATABUNAN, PATAY

PATAY ang isang 46-anyos babaeng nagpapastol ng mga alagang baboy nang gumuho ang minahan ng …

baby old hand

Natagpuan sa landfill
BABY BOY IKINAHON SA STYROBOX

WALA nang buhay nang matagpuan ng isang scavenger ang isang bagong silang na sanggol na …

Illegal mining ops sa Sibuyan ipinatigil 2

Sa marahas na police dispersal sa Sibuyan
2 KALAHOK SA HUMAN BARRICADE VS ILLEGAL MINING SUGATAN

SUGATAN ang dalawang lumahok sa barikada kontra ilegal na pagmimina na binuo ng mga residente …

Illegal mining ops sa Sibuyan ipinatigil

Illegal mining ops sa Sibuyan ipinatigil

MATAPOS magkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga pulis at mga residente ng Isla ng …

Bulacan Police PNP

11 pasaway sa Bulacan nalambat

MAGKAKASUNOD na nadakip ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na pawang may paglabag sa batas …

Leave a Reply