Wednesday , April 23 2025
NAGBIBIGAY ng pahayag sa media si Senador Antonio Trillanes IV kaugnay sa napipintong pag-aresto sa kanya bunsod nang pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ipinagkaloob sa kanyang amnestiya ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III hinggil sa paglahok niya sa kudeta noong 2003 at 2007. (MANNY MARCELO)

Salag ni Trillanes: Pagbawi political persecution

TINAWAG ni Senador Antonio Trillanes IV bilang political per­secu­tion at isang malaking kalokohan ang pagbawi ng Malacañang sa am­nestiya na ipinagkaloob sa kanya noong panahon ni dating Pangulong Be­nigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon kay Trillanes, hindi totoong wala siyang application form na pinirmahan para sa am­nesty program ng gob­yerno.

“Ito ay isang mala­king kalokohan. Alam n’yo po, hindi naman ako bibigyan ng amnesty kung hindi ako nag-comply sa requirements,” wika ni Trillanes.

“Sumumpa ako kay former Secretary of Defense Voltaire Gazmin at mapapatotohanan ‘yan ng DND officials. Abso­lutely complied lahat ‘yan,” sabi ng senador.

Giit ni Trillanes, ang amnestiya ay isang Act of Congress at hindi ito maaaring burahin ng isang Executive Order.

Bukod dito, dismiss na aniya ang lahat ng kaniyang mga kaso noon kaya’t hindi na maaaring dinggin pang muli sa mga korte dahil ito ay magi­ging double jeopardy.

Tinukoy ng senador si Solicitor General Jose Calida bilang nasa likod ng naturang ‘revocation’ para umano pigilan ang kaniyang pagsisiwalat sa mga katiwalian ng pamilya ng opisyal.

Kaugnay nito, tiniyak ni Trillanes na hindi niya tatakasan ang kaso maging ang posibilidad ng pag-aresto sa kaniya, at hindi magre-resist sa arresting officers.

Sa kasalukuyan, ginagawa na aniya ng kanilang legal team ang lahat ng kanilang maka­kaya upang kontrahin ang proklamasyon ng Palasyo.

(CYNTHIA MARTIN)


Alam ni Ex-PNOY: Amnestiya depektibo
Alam ni Ex-PNOY: Amnestiya depektibo
Utos ni Duterte: Trillanes ibalik sa kulungan
Utos ni Duterte: Trillanes ibalik sa kulungan
Pagbawi sa amnestiya kay Trillanes, Kabaliwan — Solon
Pagbawi sa amnestiya kay Trillanes, Kabaliwan — Solon
Senate president ikinustodiya si Trillanes
Senate president ikinustodiya si Trillanes

About Cynthia Martin

Check Also

Ogie Diaz Camille Villar

Patutsada kay Camille Villar
Serbisyo ng PrimeWater ayusin — Ogie Diaz

IMBES mangako ng pabahay sa bawat pamilyang Filipino, dapat unahin ni Las Piñas Rep. at …

TRABAHO Partylist lumalakas sa Zambo Norte

TRABAHO Partylist lumalakas sa Zambo Norte

NAKAKUHA ng malakas na suporta ang TRABAHO Partylist mula sa partidong pinangungunahan ni Dipolog City …

Bambang Kalimbas Sta Cruz Manila Fire

Sa Sta. Cruz, Maynila
Residential-commercial building nasunog

TINUPOK ng apoy ang isang residential-commercial building na matatagpuan sa kanto ng Bambang at Kalimbas …

Valenzuela fire

Packaging factory 15-0ras nilamon ng apoy sa Valenzuela

TINUPOK ng malaking sunog ang isang pabrikang matatagpuan sa T. Santiago St., Brgy. Veinte Reales, …

Arrest Shabu

Sa Montalban Rizal
15-anyos binatilyo, 2 iba timbog sa P1.3-M shabu

HINDI bababa sa P1.3-milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakompiska mula sa isang 15-anyos binatilyo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *