Tuesday , October 19 2021
Antonio Trillanes IV mugshots
ISINAILALIM si Senador Antonio Trillanes IV sa booking procedure katulad ng pagkuha sa kanya ng mugshots at finger prints sa Makati Police Station kasunod ng pagpapalabas ng Makati court ng warrant of arrest at hold departure order laban sa kanya. (ERIC JAYSON DREW)

Proc 527 ‘political gift’ kay Trillanes — Palasyo

NANINIWALA ang Pa­lasyo na isang “political gift” para kay Sen. Anto­nio Trillanes IV ang Proclamation 572 dahil ginagamit ito ng senador para sa sariling publi­sidad.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi maituturing na pinagdidiskitahan si Trillanes sa Proclamation 572 na nagpawalang-bisa sa kanyang amnestiya dahil todo itong nagiging behikulo para magpa­siklab ang senador.

Kung tutuusin aniya ay 80% ng mga balita ay tungkol kay Trillanes habang ang adminis­trasyon ay 30% lamang.

“You know my office maintains — we measure the amount of air time and the amount of news that he gets – he gets 80%, we get 30% by way of reply. That’s not persecution. He loves it, because he is now in the limelight. This is not political persecution. This is a political gift for him, because we have given him the limelight,” sabi ni Roque sa panayam sa CNN.

Wala aniyang puwe­deng magreklamo ng “persecution” dahil du­maan sa wastong proseso at nagpasya ang huku­man kaugnay sa Procla­mation 572.

Binigyan diin ni Ro­que na hindi “obses­sed” si Pangulong Duterte kay Trillanes at ang nakat­u-tok lamang sa mga kaso ng senador ay mga piskal.

Ang atensiyon aniya ng administrasyon ay mapababa ang infla­tion sa bansa.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

About Rose Novenario

Check Also

Janine Gutierrez

Janine Gutierrez itinanggi basang kili-kili tweet; BBM supporters kuyog

FACT SHEETni Reggee Bonoan MARIING itinanggi ni Janine Gutierrez ang umano’y viral tweet niya na pinansin …

101821 Hataw Frontpage

Exclusive: Pinay sa Kuwait patay sa ‘sadiki’ bday girl nag-suicide (Nalason sa selebrasyon)

HATAW News Team ISANG 26-anyos overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait ang na-comatose hanggang tuluyang …

Smart, BTS

Pagbayad ng Smart-PLDT ng daang milyong piso sa foreign endorsers hinagupit ng kongresista

BINATIKOS ng isang partylist congressman ang top executives ng Smart-PLDT dahil sa pagkuha ng mga …

Quezon Province

Gob ‘sabit’ sa dinukot na ‘saksi’ sa heinous crime (‘Biktima’ gustong suhulan)

MULING mahaharap sa panibagong kasong kriminal si Quezon Province Gov. Danilo Suarez matapos ituro ng …

1,000 benepisaryo ng “Cash For Work” tumanggap ng 4k (Sa Parañaque City)

AABOT sa 1,000 displaced workers mula sa iba’t ibang barangay sa District 1 ng Parañaque …

Leave a Reply