Wednesday , December 18 2024

Go, idolo ni Robin

SUMUGOD pala sa Senado si Robin Padilla para bigyan ng moral support ang special assistant to the President na si Christopher “Bong” Go na ipinatawag ng mga senador para magbigay linaw sa umano’y pakikialam (interference) n’ya  sa Philippine Navy frigate deal.

Matagal na umanong iniidolo ng aktor si Go, at ang tawag pa nito sa Special Assistant ay “General Emilio Jacinto” ng makabagong panahon. At matagal na ring alam ng madla na pro-Duterte si Robin at ina-idealize n’ya ang administrasyon ni Pangulong Digong na parang ang Katipunan noon na pinamunuan ni Andres Bonifacio at ang kanyang mga heneral. Noong Lunes, pagkadalo ni Robin sa Senate hearing, nagsimula siyang mag-post sa Instagram n’yang @robinhoodpadilla ng mga litrato at video na kuha n’ya sa hearing.

Caption ni Robin sa isa sa mga litrato na in-upload n’ya: ”Aaminin ko sa inyo punong puno ako ng poot kaninang umaga sapagkat paulit ulit na lamang ang suliranin ng Inangbayan dulot ng sobrang duming Pulitika.

“Makailang beses akong lumapit ng pinakamalapit sa mga Magdalo upang kanilang mapansin at magkasitahan pero naging mga tunay na disiplinado ang mga ito at dahil diyan ay nirerespeto ko kayo kahit mortal ko kayong kalaban sa Katipunan.”

Nakagugulantang ang kasunod na sentence n’ya: ”Para sa akin, sayang muli ang ginastos ng taongbayan sa kuryente, renta, pagkain, tubig, etc.  sa Hearing na ito.”

Tapos ay bigla siyang nag-Ingles: ”My Countrymen, we have the freedom to be politically divided, but not to the extent of wasting public funds.

“Today we fought for our rights as Filipino Citizen and that is healthy for our race. PRO or ANTI, every Pilipino must exercise his/her right. 

At biglang nag-Tagalog na naman siya. ”Wag lang sana maging masyadong magastos at hirap na ang mga Anak ng Bayan sa pagbabayad ng Tax.” 

Noong Martes naman, nag-post si Robin ng litrato ng isang bahagi ng bahay n’ya na may naka-displey na memorabilia (mga souvenir) ng 1896 Philippine revolution, tulad ng bandilang pula ng Katipunan at mga larawan ni Andres Bonifacio, at iba pang bayani ng Pilipinas.

Heto ang isinulat ni Robin na caption ng larawang ‘yon: ”Ang Federalismo lamang ang inaasahan ng mga Muslim Pilipino para magkaroon ng tunay na kapayapaan. Hindi lamang sa BangsaMoro kundi sa buong Bansa lalo sa malalayong lugar na tanging si Duterte lamang ang proteksyon ng mga mahihirap at walang kapangyarihan.”

Napaka-makabayan ni Robin, ‘di po ba?

(DANNY VIBAS)

About Danny Vibas

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *