HALOS pigilan ni Senadora Leila de lima ang pagtulo ng luha nang kapanayamin ng mga reporter matapos pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na senadorang may lover na driver-bodygurad at kolektor ng drug money sa Bilibid.
Ayon kay De Lima masyadong below the belt ang naging pahayag ng pangulo.
Ngunit tumanggi naman si De Lima na magbigay ng ano mang reaksiyon o patulan ang naging pahayag ng pangulo.
Sa kabila nito ay tuloy pa rin si De Lima sa kanyang hiniling na imbestigasyon sa senado kaugnay ng extra judicial killings sa kampanya kontra ilegal na droga ng pamahalaan.
( NIÑO ACLAN )