SINISIYASAT ng mga awtoridad ang pagkamatay ng 10 bilanggo, kabilang ang dalawang Chinese, at pagkasugat ng mismong jail warden ng Parañaque City Jail kamakalawa ng gabi.
Sa inisyal na impormasyon, namatay ang 10 preso, kabilang ang dalawang Chinese, makaraan sumabog ang isang granada.
Napag-alaman, nakikipag-dialogo si Jail Supt. Gerald Bantag nang hindi magkasundo ang mga lider ng mga bilanggo hanggang humantong sa gulo.
Agad nakaiwas ang warden nang sumambulat ang granada ngunit sugatan din siya.
Dinala na ang jail official sa Parañaque City Hospital at nananatiling nasa kritikal na kondisyon.
Kabilang sa mga presong namatay sa insidente ay kinilalang sina Jacky Huang, Yonghan Cai, Waren Manampen, Ronald Domdom, Rodel Domdom, Danilo Pineda, Joseph Villasor, Oliver Sarreal, Jeremy Flores, at Jonathan Ilas.
nina JAJA GARCIA / MANNY ALCALA