Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Maagang umalagwa si Tayabas City Mayora Aida Reynoso (ATTN: SILG Mike Sueno)

MUKHANG malaking interes talaga ang nakasalang sa pagpapaalis sa mga tenant sa harap ng palengke ng Tayabas City.

Nagulat ang mga Tayabasin dahil matagal na itong isyu. Noong panahon pa ng dating mayor na si Mayora ‘este Mayor Dondi Silang.

Sabi nga ng mga Tayabasin ‘e, mukhang isa ang isyung ito sa nagpatalo kay ex-mayor Dondi.

Maraming natuwang Tayabasin nang matalo si Dondi sa pagka-bise alkalde nitong nakaraang eleksiyon.

Inisip kasi nila, magkakaroon ng boses ang mga tenant sa harap ng palengke na pinalalayas noon ni Dondi.

Pero maling akala pala…

Aba ‘e 40 araw pa lang mula nang maupo, heto at ipinabu-bulldozer na agad ang naiwang tenants sa harap ng palengke ng Tayabas.

081116 tayabas quezon

Anyareee, Mayora Aida Reynoso?!

Magkano ‘este, ano ang urgent na dahilan at walang kaabog-abog na ipina-bulldozer ninyo ang mga tenant sa harap ng palengke?!

Mayora, baka nalilimutan ninyo na ‘yang mga tenant na ‘yan ay matagal nang negosyante sa Tayabas.

Ibig sabihin, matagal na silang kaagapay ng bayan ng Tayabas sa pagpapaikot ng ekonomiya.

Hindi natin alam kung magkano ‘este ano ang dahilan at nagpapadalos-dalos ang local government sa pagpapaalis sa nasabing tenants.

Department of Internal and Local Government (DILG) Secretary Mike Sueño, humihingi po ng tulong ang mga Tayabasin.

Saklolo!

EMERGENCY POWER
NI PRESIDENTE DUTERTE KONTRA
LAWTON ILLEGAL TERMINAL

072916 duterte gun

Isa umano sa malubhang tumututol sa emergency power para kay Presidente Digong Duterte at nagpapanggap na makabayan, ang operator ng illegal terminal sa Plaza Lawton.

Kapag nagawaran kasi ng “emergency power” ang Pangulo, tiyak na maglalaho ang sinasalukan ng kuwarta ng isang matandang burikak na itinuturong operator ng illegal terminal sa Lawton.

Hanggang ngayon kasi ay patuloy na namamayagpag si Burikak at parang si Eng-eng na humahagikgik dahil hindi raw kayang walisin ng city hall, MPD-TEU, MTPB, MMDA, LTO at LTFRB ang kanyang illegal terminal sa harap mismo ng Philpost.

Ang rason ni Joy Burikak, areglado sa kanya ang MMDA, MTPB, MPD  at city hall kaya walang puwedeng gumalaw sa kanyang illegal parking?!

Lalong humahaba ang buhok ni Eng-eng Burikak dahil sa pagpapapansin…

Transportation Secretary Art Tugade, pakibilis lang po ang paglilinis sa traffic obstructions sa Metro Manila lalo na sa Lawton, sa Maynila!

POSITIBONG IMPACT
NG ADMINISTRASYON
NI DIGONG
MAS DAPAT PAGTUUNAN
— CONG. JOEY SALCEDA

081116 duterte salceda

Nakahuntahan ng inyong lingkod kahapon si dating Albay Governor ngayon ay congressman Joel Salceda, sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico sa Malate.

Noong gobernador pa siya, nagpadala umano siya ng team sa Davao City para pag-aralan kung bakit napakatahimik, napakalinis at napakaunlad ng Davao City.

Ang unang-unang natuklasan ng kanyang ipinadalang team — hindi politiko si Duterte.

Siya ay namumuno bilang isang lider na kaagapay ng kanyang constituents.

Pero namumuno rin siya na gaya sa isang boss para ipakita sa kanyang mga opisyal at constituents na mayroon siyang kakayahang magpasunod.

Higit sa lahat — sinsero si Digong — lahat ng itinatakda niyang patakaran, siya ang unang tagasunod na sinusundan ng kanyang constituents.

Mahigpit din sinusunod ang batas sa kalye gaya ng 40 kph na constant speed  ng mga sasakyan.

At ‘yan ang dahilan kaya mababa ang crime rate sa lungsod.

Paano nga naman mabilis na makatatakas ang isang kriminal kung ganyan lang constant speed ng sasakyan, ‘di ba?

Kaya sa kabuuan ay may positibong impact si Duterte sa kanyang pinamumunuan.

‘Yan ang nakita ni Rep. Joey Salceda.

‘Yan din ang unang rason kung bakit naramdaman niya na magiging matagumpay at mabuting pinuno si Duterte.

Kaya ang pakiusap niya, huwag munang husgahan si Presidente Duterte sa kanyang estilo ng pananalita.

Sa halip, tulungan at suportahan ang kanyang mga pangarap para sa ating bansang Filipinas.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *