INIULAT ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Lunes, umabot na sa 168 drug suspects ang napapatay magmula nitong nakaraang buwan.
Ayon sa NCRPO, ang napatay na drug suspects ay naitala mula Hulyo 1 hanggang Agosto 7 sa limang police district offices.
May kabuang 66 drug personalities ang napatay ng Manila Police District (MPD) sa nasabing period.
Ang MPD ay sinusundan ng Northern Police District (NPD), 37; Quezon City Police District (QCPD), 29; Southern Police District (SPD), 20, at Eastern Police District (EPD) may 16 napatay na drug suspects.
Sa limang distrito ng NCRPO ay nakapagtala rin ng kabuuang 1,365 naarestong drug suspects sa nasabing period.
( JAJA GARCIA )
PNP ANTI-DRUG OPS TULOY PA RIN
IPAGPAPATULOY pa rin ang ipinatutupad na anti-drug operations ang PNP sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sinasabing pawang mga lumaban sa mga pulis ang napatay na drug suspect sa drug buy-bust operation.
Patay si Valentin Duran ng Tondo, Maynila nang lumaban sa mga pulis sa anti-drug buy-bust operation.
Nasa drug watchlist ang suspek na sinasabing lumaban din sa mga pulis, na si Joel Mangalindan ng Brgy. Silangan, Quezon City.
Aarestohin na sana ang suspek na si Jose Andrew Tesorero nang siya ay pumalag sa mga pulis sa Caloocan City.
Ayon sa mga awtoridad, sangkot ang suspek sa pagtutulak ng illegal na droga at nakuha sa kanya ang ginamit niyang kalibre .38 baril.