Saturday , November 23 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Tata Boyong Tago bagong enkargado ng MPD PS- 4 at PS-11

SI Tata Boyong y Tago ang sumisikat na bagong enkargado ng Manila Police District (MPD) Station 4 at Station 11.

Ang buong akala natin, sobrang tikas siya dahil sa kanya inatang ang responsibilidad na hepe ng anti-crime unit ng dalawang presintong nabanggit.

Bukod rito, ‘matik’ na siya rin daw ang enkarkadong itinalaga ng kanyang ‘mga’ station commander.

Hindi kaya nabubulagan ang dalawang station commander na inyong itinalagang ‘enkargado’ na sa tuwina’y ‘di ninyo mahanap at mahagilap?

Mukhang takot yata sa tao at tila maraming itinatago sa kanyang sarili?

Tatlong Linggo na raw nakaupo bilang enkargado pero ni anino ay hindi nakikita kung kaya’t binansagan na siyang si BOYONG TAGO.

Sa aming pakiwari, talagang may intensiyon at sinasadya niyang magtago at magkubli sa kadahilanang siya lang ang nakaaalam.

Alam mo BOYONG TAGO hindi ka naman kakainin

ng mga katoto natin at ang tanging bagay na hinahanap dapat sa iyo ay iyong mga aktibidad bilang hepe ng anti-crime unit ng iyong mga presintong hinahawakan.

Alam mo ba Boyong Tago, sa lahat ng nakilala naming enkargado, ikaw ang parang naiiba, bakit kamo?!

Ang ibang enkargado kasi nais na ipaalam sa publiko ang kanilang aktibidad o accomplishment laban sa kriminalidad dahil baka masabing ang iyong presinto ay walang nagiging aksiyon at natutulog lang sa pansitan.

Ayos lang ‘yan Boyong Tago dahil karapatan mo iyan. Mas lalong okay din kung ayaw mong lumutang pero huwag mo rin aalisin sa amin ang aming karapatan na hanapin at hukayin ang iyong itinatago?!

PAGMAMAHAL SA MAGULANG

Talagang makatotohanan at mapapatunayan na ang taong may pagmamahal at malasakit sa magulang ay labis na pinagpapala’t umaani ng tagumpay sa buhay.

Ito ay nakita na natin sa ilang taong may malasakit at respeto sa kanilang mga magulang.

Isa sa kanila ay isang kaibigan natin na namatayan ng kanyang ama kamakailan.

Sa ilang dekadang nakasama namin siya ay halos nasaksihan namin ang kabanata ng kanyang buhay.

Sa kasalukuyan, masasabing matagumpay na siyang negosyante.

Mababakas sa kanyang mukha at buong katauhan na kontento at masaya na siya sa kanyang buhay sa biyayang natatamasa niya ngayon.

Kamakailan ay nag-iba at nagbago ang kanyang dating anyo nang bawian ng buhay ang kanyang ama.

Iba ang naging obserbasyon natin sa kanya sa punerarya noong nakaburol ang kanyang tatay.

Ang dating masigla’t masayahin nating kaibigan ay tila tulala at mukhang malalim ang pinaghuhugutan.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay noon lamang namin nakitang namugto ang smiling chinky-eye ng aming kaibigan, hindi na niya halos maidilat ito.

Napansin rin namin na ang dating soft-spoken na boses ay biglang gumaralgal na tila may nakabarang bagay.

Siguro naman ay alam na natin ang sanhi at dahilan nang lahat.

Ganoon pa man nanatiling pirmis at kalmado siya sa pakikiharap sa maraming tao na taos-pusong nakikiramay sa kanya sa pagkawala ng kanyang 77-anyos ama na napag-alaman rin natin na sampung taon nang nakaratay sa wheelchair.

Sa ganitong kalagayan, hindi iniwan ng ating kaibigan ang kanyang yumaong ama sa ere. Personal pa rin niya itong tinitingnan at kinakausap araw-araw.

Ganito ang karakter at katangian na ipinakita ng ating kaibigan sa kanyang magulang. Respeto, malasakit at walang hanggang pagmamahal.

Kaya minsan ay napag-iisip rin natin na suwerte pa rin ang mga bata ngayon na meron pang mga magulang. Mukhang ‘yung iba ay hindi na nakikita ang kahalagahan ng isang ama o ina.

Kaya hindi na tayo nagtataka, dahil sa ipinamalas ng ating kaibigan sa kanyang magulang ay nabibiyayaan siya ng magandang kapalaran.

Sa kabila ng estado sa buhay ngayon, hindi siya maramot sa mga lumalapit at nangangailangan ng tulong.

Tulong na walang kapalit at ni hindi maririnig o nababasa kung saan na ang tulong ay sa kanya galing.

Hindi gaya ng iba na pinamamalita at napakalaki ng mga titik ng kanilang pangalan bilang donor.

Magtataka pa ba tayo kung siya nabiyayaan at pinagpapala ng Maykapal?!

May naisulat nga sa Biblia — “Whatever good deeds you have done to others is great but keep it for yourself for your recognition will more be wider thus that your reward will be given to you by the Almighty who knows above all.”

Tumpak nga ito.

Saksing buhay din tayo na ano man ang mayroon siya ngayon ay kanyang pinaghirapan at hindi ito minana.

Sa lahat nang ito, kami ay sumasaludo at naniniwala sa aming kaibigan.

Muli po ang aming taos-pusong pakikiramay sa isang tunay na kaibigan, kakampi at kaagapay nang marami…

Hayaan nawang ihayag namin ang aming pasasalamat sa lahat-lahat ng iyong ibinabahaging tulong sa amin.

Ang aming pasasalamat sa lahat-lahat…

Mabuhay ka, Sir Jerry Yap!

YANIG – Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *