Friday , November 15 2024

Pagpatay… sagot sa kriminalidad?

“SHOOT–TO–KILL,” nakakatakot na proseso mga ‘igan! Subalit, ‘yan ang binitawang salita ni Ka Digong sa mga taong sangkot sa Droga, partikular dito kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr. at sa anak nitong si “Kerwin, “ na umano’y sangkot sa ‘drug trafficking’ at pagkakanlong ng mga sangkot sa iligal na droga. At kamakailan lang mga ‘igan, (natakot ang Lolo mo…) sa takot ni Mayor Espinosa na mapatay, Ay sus…kusa itong sumuko sa mga Awtoridad, kasabay ang todo–todong pagtanggi ng ‘Mayor’ sa akusasyong ibinabato sa kanya. Ang matindi rito’y ang walang pasubaling pag–aming sangkot umano ang kanyang anak (Kerwin) sa ‘illegal drugs.’

Sa usaping ito mga ‘igan, maganda ang naging tugon ni Mayor Espinosa sa panawagan ni Ka Digong matapos ang ipinahayag na ‘ultimatum’ para sa kanila ng kanyang anak. Ang pagsuko nito’y nangangahulugan lamang na may pagpapahalaga si Mayor sa kanyang buhay. At nawa’y mahikaya’t ng Ama ang kanyang Anak na sumuko na rin ng maayos at payapa, upang maiwasan ang “shoot–on–sight” na nakalaan sa kanya.

Kaliwa’t–kanan ngayon mga ‘igan ang pagtodas sa mga sangkot sa Droga. Bubulagta na lamang sa isang tabi, sa kalye o’ itinatapon sa liblib na pook ang mga suspek sa Droga. Mabuti ito para sa mga nagpapakasasa at nagpapakayaman sa Droga. Pero, paano naman iyong pagka–minsa’y walang kinalaman o’ katiyakan kung sila nga’y sangkot sa ‘illegal drugs’…na tututukan na lamang sila…sabay kalabit sa baril na kanilang tangan? Kaawa–awa naman ang mga taong walang kinalaman o’ ‘yung tipong nadamay lamang.

Aba’y teka mga ‘igan, kakaiba naman itong dagdag pangyayaring naganap, na habang tinutugis ang anak ni Mayor Espinosa, si Kerwin, ay pinuntahan ng PNP–CIDG ang bahay ni Kerwin sa Leyte. Nang masulyapan ng mga ‘Bodyguards’ ni Mayor Espinosa ang PNP–CIDG na mag-gagalugad umano ng bahay ni Kerwin, ay agad silang pinaputukan ng mga ‘Private Army’ ni Mayor. Sus, patay ang anim na ‘Bodyguards’ nito, habang nakatakas at tinutugis pa ang iba pang ‘Private Army’ ni Mayor at nasamsam sa kanila ang 13 High-Power-Guns!

Sa ganitong pangyayari mga ‘igan, hindi na dapat palagpasin pa ang mga totoong salarin. Dapat ngang tugisin, lalo na’t nanlalaban. Walang panghihinayang…sapagkat tunay silang mga salarin, na pilit na sumisira sa kaayusan at katahimikan ng bansa. Karapat–dapat lang na tuldukan ito ni Digong sa lalong madaling panahon kung kinakailangan. Subalit, mag–isip-isip din kung may–time…”Sino ba talaga ang “Drug Lord”…ang Ama o’ ang Anak?

KATIWALIAN SA BARANGAY… TULDUKAN NA

KASABAY ng pagtugis ng mga sangkot sa Droga, katiwalian sa Barangay’ dapat ding tuldukan. Aba’y sadyang pasaway ang ilang Opisyal ng Barangay, partikular sa Maynila. Mantakin ‘yung sila pa ang pasimuno sa mga iligal na kalakaran sa Barangay. Ayon sa aking ‘Pipit’ na malupit, sa dakong Lawton mga ‘igan, aba’y nagkalat ang mga ‘illegal vendors’ at ‘illegal parking/terminal’…Ligayang tunay ito sa bulsa ng mga taong nagpapakasasa sa nakokolektang ‘butaw’ dito. Isama mo pa rito ang mga ‘illegal connections’ sa kuryente at tubig na talamak na sa Kamaynilaan. Sus, hinding-hindi ito palalagpasin ng bagong upong Direktor ng Manila Barangay Bureau (MBB), Director Arsenio ‘Arsenic’ Lacson, Jr. katuwang si MBB Asst. Director Ronaldo DL. Moriones. Isa ring magandang senyales ang ginawang “Courtesy Call” ng Maynilad sa pangunguna ni SAVP & Head, Central-B-District Business Area Operations Div. Bernard M. Padilla, kasama sina AVP & Head, Tondo Business Area Valentino S. Del Rosario, OIC Sampaloc Business Area Flordivino Buen at AVP & Head South Manila Business Area Eva Corazon Manalang, sa MBB, upang matugunan ang Programa nitong “Health and Environmental Awareness Program. Nawa’y magtuloy-tuloy na rin ang tunay na pagbabago sa Barangay sa Lungsod ng Maynila.

BATO-BATO BALANI –  ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *