Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

16 arestado sa anti-drug ops

ARESTADO ng pulisya ang 16 kataong pawang sangkot sa droga sa magkakahiwalay na operasyon sa Taguig City, Las Piñas City at Muntinlupa City nitong Martes ng gabi.

Sa ulat kay Taguig City Police chief, Sr. Supt. Allen Ocden, sampu kataong sangkot sa droga ang naaresto ng kanyang mga tauhan na kinilalang sina Jomar Macapigis, 23; Rolando Riposo, 34; Amor Duma, 45; Aeron Roi Comargo, 24; Renato Cabatuan, 46; Sherwin Barreto, 26; Jorievic Baliton; Manuel Satinguin, 51; Eduardo Quilang, 33 at Jade Mark.

Habang ayon kay Las Piñas City Police chief, Sr. Supt. Jemar Modequillo, nahuli sa isang “Oplan Sita” sa Grandeur, Brgy. Talon 5 ng lungsod, ang magkapatid na sina Jayson Regalado, 25; at John Lawrence Regalado, 24, dakong 11:00 am.

Nahuli dakong 8:00 pm si Bienvenido Hernandez, 42, sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Salvador V. Timbang, ng Las Piñas City Regional Trial Court.

Sa lungsod ng Muntinlupa, arestado si Richard Quitain, 32, makaraan makompiskahan ng shabu.

( JAJA GARCIA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …