Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ex-Gov. Hermogenes Ebdane dapat busisiin at isalang ng senado! (Bundok ba o mine tailing?)

MALAKING isyu na ‘yung pagbebenta ng tatlong bundok para sa reclamation project ng China sa Scarborough Shoal…

Itinuturo ang dating gobernador ng Zambales na si Hermogenes Ebdane na siyang responsable sa nasabing bentahan.

Sabi nga ni Governor Amor Deloso, “trucks of boulders” ang inilatag na bedrock para mailatag ang buhangin o lupa.

Pero, ano itong bagong impormasyon na nakalap natin?!

Hindi lang simpleng boulders o lupa ang ipinadadala ng dating provincial administration sa Scarborough Shoal kung hindi mine tailing.

Ano po ang ibig sabihin ng mine tailing?!

Ito po ay residue o latak ng minahan. Kung ginto ang minahan ibig sabihin may makukuha pang residue ng ginto. Kung nickel, may makukuha pang residue ng nickel. Kung copper, may makukuha pang residue ng copper.

E paano naman tayo nakasiguro na mine tailing nga lang ang binenta ar ipinadadala sa China?!

Baka ‘yung lupa na sandamakmak ang mineral ang ipinadadala pa sa Scarborough Shoal?!

072916 Scarborough Shoal

Hindi lang yamang-dagat ang pinag-uusapan dito. Pati pala ang ating mga mineral ay nagagahasa kasabwat pa ang provincial government.

Puwera pa riyan ang talamak na black sand mining ng mga Taiwanese at Chinese.

Hindi na tayo nagtataka kung bakit binabaha na ang ilang bayan sa Zambales.

Isang lalawigan na kay yaman pero binaboy kapalit ng salapi ng mga pinuno na pinagkatiwalaan at inihalal ng kanilang mamamayan?!

Seryosohin sana ng Senado ang imbestigasyon sa isang uri ng pagtataksil sa bayan gaya sa nasabing kaso.

Busisiing maigi kung sino ang middle man at kung sino-sino ang nagkamal ng salapi?!

Magkano ‘este ano ang tunay na dahilan kung bakit naitago ito ng provincial government?!

By the way, nasaan na si Governor Amor Deloso? Ano na ang nagyayari at tila bigla siyang tumahimik?!

May nagaganap bang laban-bawi, Gov. Amor Deloso!?

ENDO WAWAKASAN NA
NI PANGULONG DIGONG DUTERTE

080316 duterte endo

Tahasang ipinakikita ni Digong ang kanyang pagkiling sa mga naaagrabyadong maliliit na mamamayan.

Sa isyu ng labor only contracting o ENDO, mainit talaga ng ulo ni Pangulong Digong.

Binibigyan niya nang hanggang bago mag-2017 ang Department of Labor and Employment (DOLE) para tuluyang wakasan ang ENDO sa private sector.

Alam naman nating lahat kung sino nag unang tatamaan niyan.

Malalaking mall gaya ng SM, Robinson’s, Trinoma, Puregold at iba pang malls ng Ayala. Ganoon din ang mga call center, restaurants, hotels at iba pang establishments na ayaw na ayaw mag-regular ng mga empleyado dahil umiiwas sa mga benepisyong dapat nilang ibigay.

Siyempre apektado rin ang mga local manpower agencies lalo na ang mga security agency.

Sa pagwawakas ng ENDO, nasilip kaya ng DOLE kung ano ang magiging epekto nito sa iba pang kompanya na nag-middle man sa malalaking kompanya at jobseekers?!

Hindi natin sinasabi ito para panatilihin ang isang mali at mapagsamantalang sistema. Gusto lang natin ipasilip na sana ay magkaroon ng alternatibong programa ang DOLE at DSWD para sa mga maapektohan ng pagtutuwid ng sistema.

Napapanahon na sigurong pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagbuhay sa mga industriyang maaari namang buhayin at malaki ang potensiyal na paunlarin dito sa ating bansa para makapagbigay ng trabaho sa ating mag kababayan.

Pag-aralan na rin kung paano, palalakasin ang agrikultura na hindi kailangang pansamantalahan nang husto ng mga panginoong maylupa ang mga magsasaka gaya ng mechanized farming.

Ang suntok sa buwan na agraryong reporma na ipinamimigay ang lupa sa mga magsasaka pero hindi naman binibigyan ng ayuda at pagsasanay ng gobyerno kung paano pauunlarin.

Kaya ang nangyayari ay ibinibenta naman ng mga magsasaka sa realtor na ginagawang mall, o subdivision, o theme park ang ipinamahagi sa kanilang lupa.

Sabi nga, there are 1001 ways to skin a cat!

Kaya kung magiging seryoso ang mga pinuno g pamahalaan na paunlarin ang ating ekonomiya dapat silang mag-umpisa sa kung ano ang mayroon tayo.

Pansamantala, gusto natin at suportado natin ang layunin ni Digong na wakasan ang ENDO — hanggang maitransporma ito sa isang makatao, makatarungan, at mapagkalingang pag-i-empleyo.

ILLEGAL TERMINAL SA ENTRANCE
NG ACROPOLIS SUBD., ‘LIVELIHOOD’ NG QCPD
EASTWOOD POLICE STATION (PS12)?

080316 Jeep Eastwood police

Matagal nang inirereklamo ng mga residente sa Acropolis ang illegal terminal ng jeepney sa southbound ng Eastwood sa tapat ng Corby Building.

Pero hanggang ngayon, nariyan pa rin ang nasabing illegal terminal.

Nagtataka umano ang mga QC traffic enforcer at mga kagawad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil kahit ilang beses nilang hulihin at tiketan ang mga driver ng nasabing jeepney, paulit-ulit pa rin silang nagbababa at nagsasakay ng pasahero sa nasabing area.

Mas siga pa nga raw ‘yung barker kaysa traffic officer at MMDA.

Alaga raw kasi ng mga lespu sa Eastwood police station ang mga barker na kumokolektong ng ‘pangkabuhayan’ nila?!

Nakapagtataka talaga na kahit malapit lang umano ito sa QCPD Eastwood police station (PS12) pero parang wala lang sa kanila ang illegal terminal operation.

Tongpats ba talaga ng mga barker ang QCPD PS12? O baka naman QCPD Eastwood police station ang nagmamatina ng nasabing illegal parking?!

Pakisagot na nga po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *