Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Inaabusong party-list, korek ka diyan President Digong!

SA totoo lang, gusto natin tawagin ang party-list system bilang sistemang inabuso ang marginalized sector dahil kinawatan ng mga kinatawan ‘kuno’ ng tunay na representasyon ang mga mamamayan.

‘Yan po ang katotohanan sa ilalim ng kasalukuyang party-list system sa ating bansa.

Kung tutuusin, pabor dapat sana sa marginalized sector ang layunin ng party-list system.

Pero sa tunay na nangyayari, ang party-list system ay inabuso rin ng mga politikong bantad sa political dynasty.

‘Yung iba naman, nagsasabing kinatawan sila ng isang marginalized sector pero ang totoo pala ‘kinawatan’ ng pork barrel ang taongbayan.

Minsan rin naman tayong sumubok sa party-list system.

At diyan natin tuluyang nakita kung gaano binaboy ang party-list system lalo na diyan sa kumolek ‘este Comelec.

071016 duterte congress kamara

Sa totoo lang hindi naman dapat tanggalin o balewalain nang tuluyan ang party-list system. Ito ay alternatibong daluyan ng mga programa ng pamahalaan patungo sa marginalized sector.

Kung tutuusin nga, makatutuwang ni Digong ang party-list system para makatagos ang kanyang mga programa sa mga batayang sektor na lubhang napapabayaan ng mga regular na ahensiya ng pamahalaan.

In short, ang party-list ang puwedeng maging matibay na kaalyado ng executive branch ng pamahalaan kung ipapatupad nang tama ang sistemang ito.

Kailangan lang gawin ng Commission on Elections (Comelec) na rebisahin ang mga patakaran ukol dito. Kailangan din maging matalas ang Comelec sa katusuhan ng ilang nominees na ipinapasok ng mga party-list.

Dito kailangan magkaisa ang Palasyo at ang Comelec para tuluyang malinis ang nabubulok na party-list system.

Umpisahan na sana ng Comelec at ng Executive Branch bago pa tuluyang lamunin ng political dynasty ang party-list system.

Iligtas ang marginalized sector sa kuko ng Agila!

DOJ OFFICIALS NAKINABANG
TALAGA SA BILIBID DRUG RING?!

070216 aguirre doj nbp Bilibid

NAGULAT tayo sa rebelasyong ni SOJ Vitaliano Aguirre pero hindi na natin pinagdudahan.

Kasi naman, muntik na rin tayong maging biktima ng drug ring sa Bilibid nang maisulat natin ang talamak na kalakalan ng ilegal na droga roon.

Aba, mayroon pong nag-tip sa atin na isang notorious na Bilibid drug lord ang nagpapaligpit sa inyong lingkod.

Ikinasa na nga raw at umupa pa ng hired killer para lang ipatumba tayo.

Mantakin ninyong, nakanti lang minsan, ipatutumba na ang inyong lingkod?!

Sonabagan!!!

Malupit ito!

Ang isa pang kapuna-puna rito, dati ay ikinalat sa malalayong penal colony ang mga bigtime drug lord na ‘yan.

Pero noong panahon ni ex-DOJ Secretary Leila De Lima, biglang nagbalikan at pinagsama-sama sa Bilibid (Munti).

Bakit?!

Magkano ‘este ano ang dahilan at nag-get together ang mga demonyong drug lords na ‘yan sa NBP?!

Kaya naman naniniwala tayo sa kasalukuyang Justice Secretary Vitaliano Aguirre na dapat talagang papanagutin ang dalawang dating DOJ official na halatang nakasawsaw ang hintuturo sa operasyon ng ilegal na droga sa Bilibid.

Tukuyin na ‘yan!

PATEROS LGU OFFICIAL
NAGALIT
SA PULIS KONTRA TULAK

Ibang klase raw talaga ngayon sa Pateros.

Ipinatawag umano ng isang local government (LGU) official ang mga pulis sa kanilang munisipyo.

Natuwa naman ang mga lespu.

Kasi akala nila, papupurihan ang ginagawa nilang masugid na pagsusulong ng kampanya kontra ilegal na droga at sa mga nagtutulak nito.

Pero mali pala ang kanilang akala.

Imbes purihin, sinabon sila nang walang banlawan ni LGU official.

Araykupo!

Bakit kaya?

Nakikinabang kaya si LGU official sa mga tulak ng ilegal na droga sa kanilang munisipalidad?!

O may kamaganak incorporated na pinoprotektahan si LGU official!?

Pakibusisi nga po, PNP chief, DG Ronald “Bato” Dela Rosa?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *