Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

Bike rider utas sa HPG

PATAY ang hinuling bike rider sa traffic insident, makaraan barilin ang mga tauhan ng PNP-HPG nang lumaban at tangkang agawin ang baril ng isang pulis sa loob ng mobile car sa Makati City kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si John Dela Riarte, 27, may apat tama ng bala ng baril sa dibdib, leeg at baywang.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, pasado 9:00 am sakay si Dela Riarte ng kanyang bisikleta patungo sa kanyang trabaho nang biglang bumangga sa isang kotse sa southbound lane sa EDSA-Estrella, Makati City.

Agad nagresponde sa lugar sina PO2 Jonjie Manon-og at PO3 Jeremiah De Villa kasama ang tatlong MMDA traffic enforcers at naabutan si Dela Riarte na hinahampas ng helmet ang nakabanggaang kotse.

Sinasabing hindi tumitigil sa pagwawala ang biktima kaya pinosasan at isinakay ng mga awtoridad sa mobile car.

Gayonman, tinangka anilang agawin ng biktima ang baril ng isang pulis kaya pinaputukan siya ni PO3 De Villa.

Ikinagulat ng kaanak ng biktima ang nangyari na sinabing “over kill” lalo na’t traffic violation ang pinag-ugatan ng insidente.

Binigyang-diin ng nakatatandang kapatid na si Robert, may magandang rekord ang biktima at hindi nasangkot sa ilegal na droga.

( JAJA GARCIA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …