Friday , December 27 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pasay City PNP demoralisado sa bagong hepe?!

KAKAIBA raw ang diskarte at attitude ng bagong Pasay City police chief na si Senior Supt. Nolasco Batang ‘este’ Bathan.

Kaya karamihan sa mga lespu nila ngayon ay demoralisado umano sa kanyang pamamalakad.

Marami umanong gustong gayahing style si Kernel Bathan kay Pangulong Digong.

Kaya lang hindi naman niya kayang panindigan kaya mas nagiging palpak ang kanyang panggagaya.

073016 pasay police pnp

Mantakin n’yo, kailangan pa raw gumawa ng formal letter ang mga taga-media bago siya ma-interview.

Wow, daig mo pa pala ang presidente!

By the way, ano ba ‘yung ipinamamarali ng isang nagpapakilalang bagman na alias TATA ROLLY, na kailangan na raw doblehin ang tara o parating diyan sa Pasay PNP HQ?!

Alam ba ninyo ‘yun Kernel Bathan!?

Tsk tsk tsk…

Si Digong ang unang ‘pipingot’ sa iyo Kernel kung totoong may kinalaman ka riyan!

Ikaw rin…

MAYNILAD MAKUPAD
MAGTRABAHO SA SUCAT

073016 maynilad repair traffic

Nakaiinip nang tingnan o subaybayan ang project ng Maynilad sa Sucat Road sa Parañaque City.

Ang project na ‘yan ay nagsisimula sa paglampas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal hanggang doon sa mga susunod na barangay sa kahabaan ng Sucat Road.

Kung hindi tayo nagkakamali, halos ilang buwan nang ginagawa ‘yang project na ‘yan na nagdudulot ng matinding pagsisikip ng trapiko sa kahabaan ng Sucat Road.

Wala namang problema kung mayroong project na ganyan ang Maynilad.

Sabi nga nila, ipagpaumanhin ang abala para sa pagdaloy ng ginhawa.

Tayo naman ay nakauunawa sa mga ganyang situwasyon at kondisyon pero ang hindi natin maintindihan bakit tila pinatatagal ng Maynilad ang abala.

Iilan lang kasi ang nakikita nating nagtatrabaho. Siyempre kung kaunti lang ang nagtatrabaho talagang babagal at tatagal ang trabaho.

At iyon ang gusto nating ipakiusap.

Madalas kasing sinasabi ni Maynilad Chairman Manny Pangilinan na ang Maynilad ay mayroong napakahalagang papel sa “nation building.”

Aba, e kung lagi namang makupad ang kanilang mga proyekto, paano naman tayo maniniwalang makatutulong ‘yan sa nation building?!

Hala nga, paki-explain lang Chairman Manny?

Sabihin naman ninyo sa contractor ninyo, dagdagan ang mga tao nila…

Hindi ba’t DMCI Holdings at ang pag-aari ni Chairman Manny na Metro Pacific Investments Corporation ang nakakontrata sa Maynilad?!

Pakibilisan naman po ang trabaho!

REKLAMO LABAN SA TRECE
MARTIRES MARKET MASTER

GOOD afternoon po sir Jerry. Irereklamo ko lng po itong pamamalakad ng PRESIDENTE ng market dito sa Trece Martirez. Bakit po ganoon kami na may mga permit na peddlers pinapaalis nila pero ‘yung mga naglalakihang latag sa parking area sinisita. Porke ba hindi nila kami masingil ng P1,500 per month? Bakit kami magbibigay e may permit kami? Sana makarating ito sa pinakamataas. Salamat po.

—Sha———[email protected]

YORME ERAP TAKOT BA SA LAWTON
ILLEGAL TERMINAL OPERATOR?

KA JERRY, tama ka. Nilinis ni Mayor Erap ang Divsoria at Blumentritt pero nagtataka ako bakit hindi nya maalis ang illegal terminal sa Lawton. Takot ba cya o may pakinabang sa operator diyan? +63918769 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *