Friday , May 16 2025

Sanggol, 3 bata patay sa pasay fire (4 sugatan)

072916_FRONT

PATAY ang isang sanggol at tatlong bata habang apat ang sugatan, nang masunog ang isang residential area sa Sitio Pag-asa, Pasay City nitong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), ang mga biktima ay kinilalang sina John Derrick Guarino, 8; Aya Shantal Guarino, 5, at Baby Aris Patrick Romano, limang-buwan gulang, at Kim Regene Argarin, 7, pawang residente sa Brgy. 201, Zone 20, Wella Pagasa II, Pasay.

Sinasabing nataranta ang ina ng mga biktimang sina John, Aya at Aris na si Ruby Guarino kaya hindi niya nadala palabas ang mga anak. Ang ginang at tatlong iba pang mga residente ay dumanas ng third degree burns.

Samantala, natagpuan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang bangkay ng ika-apat na biktimang si Kim sa hiwalay na lugar.

Nasa 75 bahay ang natupok sa sunog na nagsimula dakong 10:00 pm kamkalawa hanggang umabot sa Task Force Delta.

nina MANNY ALCALA/JAJA GARCIA

About Jaja Garcia

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *