Friday , November 15 2024

Kapalpakan ng taga-DTI bakit pananatilihin ni Sec. Lopez?

00 Abot Sipat ArielDALAWANG bagay lamang ang puwedeng sabihin tungkol kay Department of Trade and Industry (DT) Secretary Ramon Lopez, maaaring hindi niya alam ang background ng opisyales sa kanyang kagawaran o wala siyang alam kung paano isusulong ang mga plano ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa hindi maintindihang kadahilanan, kataka-taka kung bakit inendorso ni Lopez para ma-reappoint ang dilawang opisyales ng DTI na latarang nagkampanya nang todo laban ke Duterte noong nakaraang eleksiyon.

Kilalang-kilala sina Undersecretary Nora Terado na recruit ni dating DTI Secretary Gregory Domingo at Undersecretary Ceferino Rodolfo na alaga ni ex-DTI Secretary Adrian Cristobal Jr. na naging kanang kamay naman ng talunang presidential bet ng Liberal Party na si Mar Roxas noong kalihim ito ng DTI.

Pero ang pinakamatindi sa lahat, itong si Undersecretary Victorio Dimagiba na nagkampanya nang mahigpit laban kay Duterte para maitulak ang alinman kina si dating Vice President Jojo Binay at Roxas para maging presidente. Hindi ito lingid sa kaalaman ng mga empleyado ng DTI pero parang si Lopez lamang ang hindi nakakaalam.

Bukod pa rito, si Dimagiba ay lagpas na sa mandatory retirement age na 65 dahil 67 anyos na siya at inirereklamo rin ng mga biktima ng pyramiding scam dahil sa hindi niya pagkilos laban sa pyramiding companies.

Kinasuhan din sa Tanggapan ng Ombudsman  itong si Dimagiba ng mga biktima ng Montero Sport sudden unintended acceleration (SUA) dahil sa kapabayaan dahil hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang imbestigasyon na nagsimula noon pang Mayo 2015.

Marami rin sektor ang nagrereklamo laban kay Dimagiba sa paglipana ng mga substandard na produkto sa merkado na puwedeng makadisgrasya sa mga tagakonsumo.

Pumapalag din ang industriya ng semento sa mga patakaran ni Dimagiba na halos hindi umaaksiyon sa mga reklamo tulad ng pagkontrol ng kartel na Cement Manufactuterers of the Philippines (CeMAP) sa retail prices ng naturang produkto.

Marahil, hindi alam ni Lopez na ang mga substandard na produktong tulad ng bakal, semento, electrical wires, plywood at iba pa ay lubhang mapanganib sa kaligtasan ng taong bayan lalo pa’t may banta ng napakalakas na lindol mula sa Marikina fault, ang “Big One.”

Sa parte naman ng import-export industry, nahihirapan ang mga tarder na sumabay sa mga negosyanteng hindi naman sumusunod sa mga regulasyon ng DTI na namamayani dahil sa hindi pagkilos ni Dimagiba na siya dapat na pumipigil sa mga ilegal na transaksiyon sa kagawaran pero siya pang tumutulong para madaling maipasok sa bansa ang mga produktong substandard at panganib sa kaligtasan.

Sa madaling salita, nanganganib ang direksiyon ng programa ni Lopez dahil sa plano niyang ipagpatuloy ang palpak na pamamalakad ng dating administrasyon ng DTI sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Hindi ba niya naiisip na ang DTI ay may direktang serbisyo na nakakaapekto sa kaligtasan ng mga mamamayan?

Sana mamulat si Lopez na bukod sa mga kalaban ng administrasyong Duterte ang mga pinanatili niyang alipores na dilawan sa DTI, marami pa namang ibang mapagpipilian na mas karapat-dapat para sa layunin ng gobyernong Duterte na maiangat ang antas ng buhay ng sambayang Filipino.

ABOT SIPAT – Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *