NAGLABAS ng kautusan ang National Telecommunications Commission (NTC) na nagtatalaga sa numerong “8888” bilang opisyal na National Complaint Hotline number.
Epektibo ang direktiba simula sa Agosto 1, 2016.
Ayon sa NTC, ginawa nila ang hakbang bilang pagtalima sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng national citizens complaint hotline.
Bago naisapinal ang konsepto, nagpulong muna ang stakeholders na pinangunahan ni Deputy Cabinet Secretary Dale Cabrera.
Sa pagpapatupad ng naturang hotline, obligado ang mga public telco na i-connect ang mga tawag sa “8888” sa linya ng Civil Service Commission (CSC) at Presidential Action Citizens Complaint Center.