Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

6 salvage victims natagpuan sa Pasay

ANIM kalalakihang hinihinalang biktima ng summary killings ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang dalawa sa anim na sina Jethro Sosa, alyas Jet-Jet, 27, at Patrick Martinez, may mga tama ng bala ng baril sa  katawan.

Habang ang tatlong biktima ay kinilalang sina alyas Toto, alyas Reggie, alyas Boy Silva, at isang hindi pa nakikilala.

Ang mga biktima ay hinihinalang mga sangkot sa droga batay sa iniwang karatula sa tabi ng kanilang bangkay.

( JAJA GARCIA )

DATING DRUG PUSHER UTAS SA TANDEM

PATAY ang isang dating tulak at user ng droga makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Quezon City nitong Miyerkoles ng madaling-araw.

Samantala, napaslang din ang isang hinihinalang tulak ng droga sa Caloocan City makaraan manlaban sa mga pulis.

Kinilala ang suspek na si Renato Austria alyas Tisoy, 30, residente ng Phase 1, Package 2, Block 3, Lot 8, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing.

Ayon kay Sr. Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong 4:15 pm sa harapan ng bahay ng suspek.

( ROMMEL SALES )

2 SANGKOT SA DROGA ITINUMBA SA NAVOTAS

DALAWANG lalaking sinasabing sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga ang pinatay ng hinihinalang vigilante group kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Dakong 3:50 am nang matagpuan ang unang bangkay na nakabalot sa duct tape ang mukha sa loob ng Navotas City Cemetery sa Brgy. San Jose ng nasabing lungsod.

Habang 5:00 am nang matagpuan ang bangkay ng ikalawang biktima sa C-3 Road, Brgy. North Bay Blvd. South.

( ROMMEL SALES )

TULAK PATAY SA BUY-BUST SA MAYNILA

PATAY ang isang 43-anyos hinihinalang drug pusher makaraan lumaban sa mga awtoridad sa buy-bust operation sa Pandacan, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Agad binawian ng buhay ang suspek na si Bener Densing alyas Toyo, ng 1310 Burgos Street, Paco, Maynila.

Ayon sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro, dakong 12:05 am nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.

( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat nina Kimbee Yabut at Joana Cruz )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …