PATAY ang babaeng hinihinalang tulak ng droga nang pagbabarilin ng kapwa niya drug pusher makaraan magka-onsehan sa shabu sa Paranaque City kamakalawa ng gabi.
Ang biktimang hindi pa nakikilala ay tinatayang edad 25-anyos.
Nagsasagawa na ng follow-up ang pulisya para sa agarang pag-aresto sa suspek na kinilala sa pangalang alyas Bilo, sinasabing isang notoryus na drug pusher.
Napag-alaman, naganap ang insidente sa ovespass ng Ninoy Aquino Avenue, Brgy. La Huerta ng naturang lungsod dakong 6:30 pm.
( JAJA GARCIA )