Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bebot itinumba sa loob ng jeep

PATAY ang isang babae makaraan barilin ng kapwa pasahero sa jeepney  nitong  Huwebes  ng umaga sa lungsod ng Makati.

Kinilala ang biktimang si Lauren Kristel Rosales, 27, ng Sta. Ana, Maynila.

Ayon kay Sonny Priol ng Makati Public Safety Assistance (MAPSA), kapwa pasahero rin ng jeepney ang bumaril kay Rosales sa kanto ng N. Garcia St. at JP Rizal St.

Sinabi ni Priol, bumaba sa jeep ang ‘di nakikilalang lalaki bago dumating ang sasakyan sa kanto ng JP Rizal.

Nang huminto ang jeep dahil sa stop light, nagmadaling naglakad ang lalaki pabalik ng jeep at binaril ang biktimang nakaupo sa kanang bahagi ng pampasaherong sasakyan.

Habang tinamaan sa kanang hita ang isa pang pasaherong si Angelica Sarapanan, 13, nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Makati.

Dagdag ni Priol, makaraan ang pamamaril, naglakad palayo ang suspek at iniwan sa isang kulay pink na tricycle ang suot na sombrero, jacket at baril na ginamit sa pagpaslang.

( JAJA GARCIA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …