Friday , November 15 2024
robbery holdap holdap

Dentista utas sa holdaper

BINARIL at napatay ang isang lalaking dentista ng dalawang holdaper na nagpanggap na pasyente sa loob ng kanyang klinika sa Makati City kahapon ng tanghali.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Makati Medical Center (MMC) ang biktimang si Dr. Antonio Limos, 59, dahil sa ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tinitingnan ng mga awtoridad ang CCTV sa lugar upang makilala ang mga suspek.

Base sa inisyal na ulat nina SPO3 Noel Pardinas at SPO2 Rico Caramat ng Homicide Section ng Makati Police, nangyari ang insidente sa loob ng dental clinic ng biktima dakong 12:30 nn sa 9689 Saint Paul St. kanto ng Kamagong Sts., Brgy. San Antonio Village, ng nasabing siyudad.

Dumating sa klinika ang dalawang suspek na lulan ng isang black and white Mio motorcycle na walang plaka at nagpanggap na mga pasyente.

Pagkapasok ay agad nag-anunsiyo ng holdap ang mga suspek at biglang binaril si Limos na inakalang lalaban.

Makaraan makuha ang IPhone 6 at wallet ng isa sa mga pasyente ng biktima ay agad tumakas ang mga suspek.

Dinala ng tricycle driver na si Erickson Anceran ang biktima sa nabanggit na pagamutan ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Magugunitang noong Hulyo 6, hinoldap at pinatay rin ng riding-in-tandem suspects ang dentista na si Dra. Racquel Magsilan, 38, sa loob ng kanyang klinika sa 9547 Kalayaan Avenue, Brgy. Guadalupe Nuevo sa lungsod.

( JAJA GARCIA )

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *