Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Driver/bodyguard, yaya patay, among chinese kritikal sa ambush (5-anyos sugatan)

071416 victim gun incident
INIIMBESTIGAHAN ng mga tauhan ng PNP-SOCO ang bangkay ng biktimang si Mark Neil Alisalis, pinagbabaril ng dalawang hindi nakilalang lalaki habang minamaneho ang Mercedez benz (BAO-112) sa Macapagal Blvd., Pasay City, patay rin sa insidente ang isang kasambahay habang kritikal ang isang Chinese lady at bahagyang nasugatan ang 5-anyos batang babae. (JERRY SABINO)

PATAY ang dalawa katao habang malubha ang isang babaeng Chinese at bahagyang nasugatan ang 5-anyos batang babae makaraan paulanan ng bala ang sinasakyan nilang kotse ng isa sa dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Binawian ng buhay noon din ang driver/bodyguard na si Pfc. Mark Neil Alisasis, 33, ng Block 13, Lot 28, Francisco Homes, San Jose Del Monte, Bulacan, habang dakong 1:15 am kahapon nang malagutan ng hininga habang ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang kasambahay na si Adelfa Dava Apostol, 22, ng 531 Asuncion St., Binondo, Manila.

Nilalapatan ng lunas sa pagamutan si Kate Monica Hong, 20, at ang batang si Janelle Choi, 5-anyos.

Base sa inisyal na ulat ng Pasay City Police, dakong 9:30 pm nang maganap ang insidente sa Seaside Market (Dampa) compound southbound ng Macapagal Boulevard.

Kalalabas lamang makaraan maghapunan ang mga biktima sa Hueying Restaurant at sumakay sa dark blue Mercedez Benz (BAO 112) na minamaneho ni Alisasis.

Habang nagbabayad ng parking fee ang driver, bigla silang pinagbabaril ng isa sa dalawang suspek na lulan ng motorsiklo.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Napag-alaman, naiwan sa restaurant ang tatay ng bata nang mangyari ang insidente.

Blanko pa ang mga awtoridad sa motibo ng pamamaril habang patuloy na sinusuri ang CCTV sa lugar upang tukuyin ang mga suspek.

( JAJA GARCIA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …