Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

6 drug pusher patay, 1 sugatan sa tandem

PATAY ang anim hinihinalang mga drug pusher habang isa ang sugatan makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo sa magkakahiwalay na insidente sa lungsod ng Las Piñas at Pasay kamakalawa.

Ayon sa ulat ni Chief Insp. Rolando Baula, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police, ang mga namatay ay kinilalang sina Ramon Francisco, Adrian Esguerra, Maria Victoria Javier, 47; isang alyas Boy Mata, 45, habang malubha ang isang Pepito Gemelio, 69, ng 665 Gloria St., Brgy. 130.

Binawian ng buhay sa Manila Santarium si Francisco sanhi ng ilang tama ng bala sa katawan makaraan pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo sa 330 Taylo Street dakong 9:15 pm.

Nalagutan ng hininga sa Pasay City General Hospital (PCGH) sina Esguerra at Javier nang pagbabarilin ng dalawang lalaking nakasuot ng helmet dakong 7:30 pm sa M. Dela Cruz at D. Jorge St. habang nasugatan si Gemelio na dinala sa Manila Sanitarium Hospital.

Makaraan ang pamamaril, nilagyan ng mga suspek ng karatula sa katawan ang napatay na sina Esguerra at Javier, nakasulat ang katagang  “Tulak Ayaw Tumigil Sa Pagtutulak”.

Habang si Mata ay ideklarang dead on arrival sa PCGH makaraan siyang barilin ng mga suspek sa EDSA, Brgy. 147, Zone 16, Pasay City dakong 1:10 a.m.

Sa Las Piñas City, bandang 2:00 am kahapon nang mamatay ang mag-live-in partner na ‘drug pusher’ na sina Sadam Avia at  Shiela Mariel Pasayon, sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula sa  kalible .45 baril.

Natuklasan ng mga residente ang bangkay nina Avia at Pasayon sa loob ng isang berdeng tricycle sa panulukan ng Mahogany at Sampaloc Streets.

( JAJA GARCIA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …