Monday , November 18 2024

PSC: Change the Game

MALAKI man ang hamon para palaguin ang sports sa bansa, nagkaisa ang bagong liderato ng Philippine Sports Commission (PSC) para magbago ang kalaga-yan ng mga atletang Pinoy at magkaroon nang mas malaking pag-asang umani pa ng karangalan sa pandaigdigang entablado, kundi man sa Olimpiyada at Asian Games.

Sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate, inihayag ni incoming PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez ang kanyang planong pagtatag ng Institute of Sports upang mas matuon ang kanilang mga effort na pagandahin at palaganapin ang sports bilang bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat Pinoy.

“In other countries like Singapore and Indonesia and even in Europe and the United States, they have an institute for sports but here, we do not have that. It’s about time we create one because we realize that sports play a vital role in nation building,” punto ni Ramirez sa mga dumalong mamamahayag sa forum.

Sinusugan din ni PSC commissioner-designate at basketball legend Mon Fernandez, na nagsabing napapanahon nang magkaroon ng pagbabago kaya nais niyang magbigay ng sariling kontribusyon bilang opisyal para mapaangat ang estado ng sports sa bansa.

“Iba na ang focus natin. This time our plan is to change the game,” ani Fernandez.

Ayon naman kina incoming commissioner Dra. Celia Kiram, Arnold Agustin at Charles Maxi ang kahalagahan ng pagtatatag ng mga regional training center sa estratehikal na mga lugar upang makatulong sa pagsasanay ng mga atleta at gayon din sa pagdiskubre ng mga bagong talent sa pamamagitan ng magiging grassroots program ng PSC.

Binanggit din ni Ramirez ang tagubilin ni president-elect Rodrigo Duterte na magtungo sa mga komunidad para malaman ang tunay na kalagayan ng bansa at malaman din kung saan mas makapagbibigay ng ayuda para sa kaunlaran ng sambayanan.

“Simple lang ang ating plano…sundin lang ang Pangulo (Duterte) na ‘go to the communities and connect with the people.’ Naniniwala ako na kapag ganito ang ating ginawa magiging successful tayo, pero kung hindi, governance will fail,” diin ni Ramiriez sa huli.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *