“IT’S finger lickin’ good!”—sabi nga sa ads nito.
Bukod dito, ano pa nga ba ang hahanapin pa mula sa mga fried chicken restaurant sa buong Asya kung dinala nito ang flavorful taste sa daigdig ng cosmetics?
Aba, iilan lang ang nagsabing “gross,” kaya maraming dahilan para sa pag-sang-ayon dito. Ngayon ay naglunsad ang Kentucky Fried Chicken (KFC) ng dalawang chicken-flavored nail polish sa merkado sa Hong Kong.
Unang inihayag ang produkto noong April Fools’ Day, pero hindi ito biro! Nakipagtulungan ang mga food scientist sa McCormick, ang spice supplier para sa KFC, sa isang nail polish producer na nakakabit sa Ogilvy & Mather marketing firm, at nakalikha ang dalawa ng flavor para sa mga nail polish: ang Original at Hot & Spicy.
Ayon sa representante para sa Ogilvy & Mather, katulad din ang nilikha nilang pambihirang produkto sa ordinaryong nail polish.
Originally, isang special collector’s box ang inilunsad, ngunit ngayo’y ibinebenta na ito sa publiko. Hinihiling din ng KFC sa mga residente ng Hong Kong na pagbotohan kung alin ang flavor na gusto nila. Sa sandaling na-tally na ang botohan, sisimulan ng KFC na i-mass-produce na ang winning flavor.
May kahintulad na fruit at vegetable-flavored nail polish ang ibinenta sa nakalipas sa ilalim ng pangalang Kid Licks. Gayon pa man, nagkaroon ng agam-agam sa kaligtasan nito sa kalusugan.
Sa latest poll, nakakalamang sa bilang ng boto ang Hot & Spicy.
Kinalap ni Tracy Cabrera