Friday , November 15 2024

Sagabal sa sidewalk ipinagigiba ng QC gov’t

IPINAG-UTOS ng Quezon City Building Official ang pagwasak sa board up (bakod) sa sidewalk ng EDSA, Cubao malapit sa kanto ng Aurora Blvd., matapos kumitid at sumikip ang sidewalk dahilan para wala nang madaanan ang mga pedestrian sa naturang lugar.

Ito’y matapos atasan ni Engr. Isagani Verzosa Jr., hepe ng QC Department of Building Official si Atty. Freddie Lilagan, hepe ng Investigation and Adjudication Division ng Building Official ang pagwasak sa naturang board up na itinayo sa gitna ng sidewalk sa EDSA, Cubao kanto ng Aurora Blvd., Brgy. San Martin De Porres, QC.

Nabatid sa kautusan ni Verzosa Jr., bukod sa pag-alis sa naturang board up (bakod) ipinalilinis din kay Lilagan sa lalong madaling panahon ang sidewalk sa mga estruktura na nakasasagabal sa maayos na daanan ng mga pedestrian sa naturang sidewalk.

Nauna rito, inirereklamo ng mga residente sa Cubao at pedestrian na bukod sa illegal vendors na problema sa sidewalk ng EDSA, Cubao problema rin ng mga dumaraan sa lugar ang itinayong board up (bakod) ng isang ginagawang gusali sa sidewalk na nagpasikip sa sidewalk.

Ayon sa ulat, iniutos ni Verzosa nitong Hunyo 2, 2016 sa hepe ng Investigation and Adjudication Division na si Lilagan ang pagpapagiba sa naturang board up (bakod).

Magugunitang binatikos ng mga residente ng Cubao at pedestrian na nagdaraan sa sidewalk ng EDSA ang Metro Manila Development Authority  (MMDA), Department of Public Order and Safety (DPOS) ng Quezon City government at QC Building Official dahil sa kabiguan na malinis ang illegal vendors sa lugar at ang board up (bakod).

Bunsod ng naturang kautusan ng Quezon City Building Official inaasahan ng mga residente at pedestrian na dumaraan sa naturang sidewalk na luluwag na ang kanilang daanan.

 

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *