Thursday , May 15 2025

Cargo, private planes aalisin sa NAIA (Ililipat sa probinsiya)

NAKATAKDANG iutos sa general aviation operators na may operasyon sa air charter, air cargo, aviation training, aircraft maintenance, at corporate flight operations na bakantehin na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Maaari umanong ilipat sa Sangley Point sa Cavite at sa Laguna Lake o sa Fernando Air Base sa Lipa, Batangas, ang mga nabanggit ayon kay incoming Transportation Secretary Arthur Tugade.

“Magkakaroon ka ng additional aviation space, 18 to 22 percent, alisin mo ‘yan. Napakalaki ho niyan,” pahayag ni Tugade sa ANC Headstart.

Ayon sa official website ng Manila International Airport Authority (MIAA), pinauupahan nila ang lugar at hangars sa 44-hectare General Aviation Area sa NAIA sa ilang general aviation operators.

“Aalisin ko ho ‘yung general aviation sa NAIA. Ililipat ko ho ‘yan either sa Sangley or sa Lipa,” ayon kay Tugade.

Hindi niya inaako ang credit sa nasabing ideya, dahil ito ay mungkahi na ng nakaraang transportation ministers, ngunit sinabi ni Tugade na ipatutupad niya ang pagbabagong ito.

“Gugustuhin ko ito,” aniya.

Mag-iisyu ang Department of Transportation ng abiso sa general aviation operators sa loob ng unang 100 araw niya sa tanggapan.

“You will give them enough time to move out. Hindi naman puwedeng sabihing bukas alis na kayo. I have to give them also an alternative place to go to,” aniya.

Gayonman, ang speedy development ng relocation sites at ang agarang paglilipat ng general aviation operations ay kailangan nang special powers na iendoso ni Tugade kay President-elect Rodrigo Duterte.

“Kailangan ko ‘yang emergency power diyan, a. Una, para alisin ang aviation; pangalawa, para ayusin ang Sangley nang mabilisan, agaran,” aniya.

Aniya, nakausap na niya ang ilan sa may-ari ng chartered private planes at wala aniyang tumututol sa kanila.

“Pumapayag ho sila. Ang sabi nila, gawin mo. Bigyan mo kami ng lugar na paglilipatan. We will show our commitment to the Duterte government,” dagdag ni Tugade.

Samantala, plano rin ni Tugade ang konstruksiyon at development ng anim paliparan sa pagpapasimula ng termino ni Duterte. Kabilang sa listahan ang Clark International Airport and NAIA.

“In Clark, you have the space. The development must be pushed and pushed hard at the Clark International Airport. Nandoon po ‘yung physical territory where you can expand,” aniya.

Aniya, ang NAIA, na maaari pa rin magamit sa susunod na pitong taon, ay dapat mapagbuti kasabay ng Clark. s“The remedy for Clark and NAIA is they can co-exist and therefore, they must be improved and developed,” ayon kay Tugade.

About G. M. Galuno

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *