Sunday , March 16 2025

Kustodiya ng P37.3-M droga ipinasa ng BoC-NAIA sa PDEA

ISA-ISANG binuksan nina Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña, Port of NAIA District Collector Mimel Talusan at mga opisyal ng PDEA, sa harap ng mga mamamahayag, ang pinaglagyan sa 5,239 gramo ng shabu, katulad ng baby carrier, camera, Finance magazine at bar stool, at ang 1,003 piraso ng party drugs ecstacy na nakalagay sa wooden toys, mula sa New Zealand, United States at Germany, makaraang maharang sa NAIA. (BONG SON)

IPINASA ng Bureau of Cus­­toms (BOC) sa Philipine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang kustodiya ng P37.3 milyong halaga ng ilegal na droga na nasabat kamakailan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinabibilangan ng 5,239 gramo ng shabu na itinago sa baby carrier, camera, finance magazines at bar tools ang ipinasa ng Customs sa PDEA.

Habang ang 1,003 pirasong nakom­piskang ecstacy ay na­tagpuan sa wooden toys, ayon kay Customs District Col­lector Carmelita Talusan.

Ani Talusan, ang pagkaka­huli ng droga ay sanhi ng inisya­tiba at five-point program ni Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Nasabat rin ang shabu na ipa­padala sa New Zealand, tatlo ang nagmula sa United States, habang ang ecstacy ay galing sa Germany.

Sinabi ni Lapeña, patuloy ang bureau sa pagsuporta sa anti-drug campaign ni Pangu­long Rodrigo Duterte at patuloy din ang pagbabantay at protek­siyon sa borders.

(GMG)

About G. M. Galuno

Check Also

FPJ Panday Bayanihan partylist

Proteksiyon sa Frontliners hangad ng FPJ Panday Bayanihan partylist

ISUSULONG ng FPJ Panday Bayanihan partylist ang Good Samaritan Law upang tiyakin ang proteksiyon para …

TRABAHO Partylist

TRABAHO Partylist pabor sa mandatory 30% local output para sa PH-made vehicles

IDINEKLARA ng TRABAHO Partylist ang kanilang suporta sa iminungkahing magkaroon ng mandatory 30% local output …

Arrest Shabu

Higit P1.2-M shabu nasamsam, 2 armadong tulak tiklo sa Bulacan

SA KAMPANYA laban sa ilegal na droga at baril, naaresto ng pulisya ang dalawang hinihinalang …

Antonio Carpio Sara Duterte Chiz Escudero

Carpio kay Chiz  
EBIDENSIYA PROTEKSIYONAN VS VP SARA

Antonio CarpioSara Duterte Chiz EscuderoKASUNOD ng panawagan ng 1 Sambayan na simulan  ng Senado ang …

031325 Hataw Frontpage

FPRRD ‘di biktima, kundi mga pinatay sa war on drugs — Solons

ni GERRY BALDO NANAWAGAN sa publiko ang dalawang lider ng Quad Committee ng Kamara kahapon, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *