Thursday , June 1 2023

P8.65-M misdeclared beauty products nasabat sa NAIA

UMABOT sa P8.65 milyon halaga ng “misdeclared” na produktong glutathione at beauty products ang nasabat ng Bureau of Customs sa NAIA sa Pasay City, nitong Miyerkoles.

Ayon sa ulat, nakita ng Customs sa x-ray machine ang kahina-hinalang laman ng dalawang shipment na 927 kilo at at 1,120 kilo ang timbang. Mula ito sa consignee na kinilalang si James Malinao Halasan.

Batay sa mga dokumentong isinumite sa ahensiya, idineklara ni Halasan na mga personal na gamit ang laman ng dalawang shipment.

IPINAKITA nina Customs Commissioner Isidro Lapeña at NAIA district collector Vincent Philip Maronilla ang kompiskadong 48 kahon ng glutathione at iba pang beauty products na nagkakahalaga ng P8.65 milyon mula Thailand na idineklarang personal effects. (JSY)

Ngunit nang buksan ng Customs ang laman ng shipments, tumambad sa kanila ang iba’t ibang gluta at beauty products.

Inihayag ni NAIA district collector Vincent Philip Maronilla, ang bawat pasahero ay pinapayagan lang makapagdala ng P150,000 halaga ng mga pasalubong sa balikbayan box.

Bunsod nito, nahaharap si Halasan sa paglabag sa Section 1400 ng Republic Act 10863. Ipasusuri ang nasamsam na mga produkto sa Food and Drug Administration (FDA). (GMG)

About G. M. Galuno

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *