Wednesday , May 21 2025
Lloyd Christopher Lao, CSC, PS-DBM

Confidential personnel sa PS-DBM, hirit ni Lao sa CSC

ISANG buwan makaraang italagang pinuno ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) si Lloyd Christopher Lao, hiniling niya sa Civil Service Commission (CSC) na iklasipika bilang confidential employees ang ilang tauhan niya.

Inihayag ni Sen. Panfilo Lacson, lumiham si Lao sa CSC para sa “reclassification of employees as confidential employees” ngunit tinanggihan ng komisyon.

Sa naging hakbang ni Lao, aniya, ay malinaw na binalak ang pandarambong base sa sinabi ni Sen. Franklin Drilon ‘premidated plunder’ ang pagbili ng P8.7 bilyong overpriced medical supplies sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

“Question do’n ba’t kailangan mo ng confidential employees sa isang ahensiya ng gobyerno na nagpo-procure? ‘Di ba doon pa lang kitang-kita mo na, parang sabi nga ni Senator (Franklin) Drilon, premeditated plunder. Parang lahat plinano,” ani Lacson sa programang Headstart sa ANC kahapon.

Maging ang Food and Drug Administration (FDA) ay niluwagan ang requirements noong Marso o Mayo 2020 sa pagpepresenta lang ng license to operate imbes magpasumite ng certificate of notification and application, sabi ni Lacson.

“After makapag-deliver na ‘yung Pharmally hinigpitan na naman. Kailangan na ulit ‘yung certificate, certificate of product registration…” ani Lacson. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Senate Senado

Sa Senado  
‘Duterte bloc’ namumuo, impeachment complaint vs VP Sara target ibasura

TAHASANG inamin ni Senador-elect Ronald “Bato” dela Rosa na isang Duterte bloc senators ang namumuo …

Valenzuela ID card ValID

Pekeng ID bawal sa Valenzuela, Val-ID isinulong

SINIMULAN na sa Valenzuela City ang pamamahagi ng Val-ID na naglalayong mabigyan ng proteksiyon ang …

P5-B ilegal na droga sinilaban ng PDEA

P5-B ilegal na droga sinilaban ng PDEA

SINUNOG ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang aabot sa ₱5,321,563,665.95 halaga ng mapanganib na …

knife, blood, prison

Pasahero na 10-beses nanaksak ng rider, arestado

ARESTADO na ang pasahero na nanaksak ng 10-beses sa rider ng motor taxi na Move …

revoked drivers license failed drug test

Positibo sa ilegal na droga  
10 Victory Liner drivers, 6 konduktor binawian ng lisensiya ng LTO

BINAWI ng Land Transportation Office (LTO) ang mga lisensiya ng 10 driver ng Victory Liner, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *