Friday , November 15 2024

60 completed bills iiwanang hindi nalagdaan ni PNoy

MAY panahon pa si Pangulong Noynoy Aquino hanggang alas-12:00 ng tanghali ngayong araw na ito para lagdaan ang 60 ‘completed bills’ para maisabataas o kung sakali ay tanggihan.

Ito ang napag-alaman kay outgoing secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr., ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa panayam ng Hataw kahapon ng umaga sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico sa Malate, Maynila.

Nagsimula na sina Pangulong Aquino at ang kanyang mga appointee na mag-empake sa Malacañang, sa antisipasyon ng administrasyon ni incoming president Rodrigo Roa Duterte, na manunumpa bilang president ng Filipinas ngayong katanghaliaan.

“I myself have started sorting out things and cleaning up. It’s only natural since it’s specified when we are supposed to leave,” ani Coloma.

Ayon sa kalihim, maaaring hindi na nga malagdaan ang mga nabalam na bill at hindi rin niya alam kung may ilan rito ang magla-lapse para maging batas makaraan ang preskripsyon na 30 araw simula nang maisumite sa punong ehekutibo.

“Ayaw niya (Aquino) ng fastbreak. Gusto niya mapag-aralang mabuti para matiyak kung ito ay para sa interes ng publiko,” ani Coloma.

About Tracy Cabrera

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *