Saturday , November 16 2024

Task Force sa 7 Indonesians na kinidnap binuo

KASUNOD nang pagdukot ng Abu Sayyaf sa pitong Indonesian national, bumuo ng bagong “Joint Task Force Tawi-tawi” ang mga awtoridad para guwardiyahan ang katubigan patungong Indonesia at Malaysia.

Sinabi ni Major Filemon Tan Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command (Wesmincom), mahigpit na nilang tinututukan ang seguridad sa lugar bago pa man ang pinakahuling pagbihag.

Gayonman, aminado si Tan na may limitasyon ang kanilang hanay pagdating sa logistics at equipment.

“Kung maido-drawing lang po sa chart at maipapakita sa ating mga taga-panood kung papaano po natin mina-maximize ang mga asset ng Navy ay talaga ini-commit na natin kung anong puwersa ang mayroon tayo. Iyun nga lang, sa laki ng area, talagang hindi po nating mako-cover ang lahat,” sabi niya.

Sa kabila nito, tiniyak ni Tan, ginagawa nila ang lahat upang matunton ang bandidong grupo.

“Our forces on the ground are doing its very best. Alam naman po natin ang ating commitment, nagkakataon lang po na mayroong mga limitation.”

Una nang kinompirma ng Wesmincom nitong Lunes na dinukot ng Abu Sayyaf ang pitong Indonesia national habang naglalayag sila papuntang Cagayan de Oro.

Humihingi ang mga suspek ng RM20 milyon or tinatayang P230 milyon para sa kalayaan ng mga bihag.

Kompiyansa ang papasok na administrasyon ni President-elect Rodrigo Duterte, masusugpo nila ang terorismo sa Mindanao sa pamamagitan ng opensibang militar at pagpapabuti ng kabuhayan ng mga residente.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *