Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mekaniko tigok sa pagbangga sa kotse

BINAWIAN ng buhay ang isang 53-anyos mekaniko nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang rumaragasang kotse sa kalsadang madalas mangyari ang aksidente na hinihinalang may “spirit of death”  sa Makati City kahapon.

Nalagutan ng hininga sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Edwin Datu, may asawa, mekaniko sa Camano Auto Repair Shop, ng 2300 Tramo St., Brgy. 64, Zone 8, Pasay City, dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Habang nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng pulang Mitsubishi Mirage (AHA 4403) na si Adelfa Fabon Sanares, 51, ng B-62, L-28, Nitrogen St., Golden City, Brgy. Anabu F, Imus, Cavite.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Ernesto Panes Jr., ng Makati City Traffic Department, sumalpok ang asul na Honda motorcycle (9321PJ) na minamaneho ng biktima sa kotseng minamaneho ni Sanares sa panulukan ng  Dian at Finlandia Sts., Brgy. San  Isidro dakong 3:15 a.m.

Sinasabing biglang sumulpot ang kotse sa lugar kaya nabangga ng motorsiklo dahilan upang tumilapon nang ilang metro, nabagok ang ulo sa semento saka nawalan ng malay ang biktimang si Datu.

Isinugod ng Brgy. Bangkal Rescue Team ang biktima ngunit binawian ng buhay nang idating sa pagamutan.

Ilang residente sa lugar ang nagsabing madalas mangyari ang aksidente sa lugar na ikinamatay na rin ng ilang biktima kaya sinasabing may gumagalang espirito roon upang kumuha ng buhay ng tao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …