Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manila Water, lumahok sa Sumakah Festival

Lumahok ang Manila Water, ang silangang konsesyonaryo ng tubig at alkantarilya sa kakatapos lamang na Sumakah (Suman, Mangga, Kasoy and Hamaka) Festival na ginanap sa lunsod ng Antipolo na itinampok ang delicacies o sikat na pagkain ng siyudad. Nagkaroon ng isang parada na sinimulan mula Sumulong Park hanggang Ynares Center.

Binigyang-buhay ni Kuya Pat, ang mascot ng Manila Water ang nasabing parada na dinaluhan din ng iba’t ibang mga paaralan at opisina ng lunsod.  Ang Manila Water din ang nagsilbi bilang hydration sponsor para sa lahat ng lumahok sa parada.

Ayon sa lokal na pamahalaan, higit sa 15,000 katao ang nakibahagi sa parada. Sinimulan ang Sumakah Festival noong 2002 upang maging kaakit-akit ang Antipolo bilang isang pa-ngunahing destinasyon ng mga turista tuwing panahon ng tag-init. Ang selebras-yon ay ginanap sa buong buwan ng Mayo na nagkaroon ng dancing competitions, cultural presentations, arts at culinary exhibits.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …