Friday , November 15 2024

Duterte naliitan sa suweldo ng presidente

DAVAO CITY – Kung si President-elect Rodrigo Duterte ang tatanungin, sa mga nangangarap na maging pangulo ng bansa, isa lang aniya ang kanyang magiging payo sa kanila.

Kung talagang may “passion” ang isang tao na manilbihan sa bansa, ito na lang daw ang magiging “driving force” na ipagpatuloy ang pangarap na maging pangulo.

Iginiit ng incoming president, napakaliit ng sahod ng isang presidente.

Nagbiro ang opisyal na hindi kasya ang kanyang tatanggaping halos P130,000 sahod na hahatiin lang ng kanyang dalawang misis.

Para kay Duterte, hindi niya pinangarap maging pangulo ng bansa ngunit dahil sa pagmamahal niya sa mga Filipino at sa kinakaharap na problema ng bayan, kaya pumayag siya sa panawagan ng taongbayan at tumakbo nitong nakalipas na halalan.

Samantala, batay sa bagong batas na Salary Standardization Law IV (SSL IV) na pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III noong Pebrero 19, 2016, makikinabang sa pagtaas ng suweldo ang incoming president.

Ang first tranche sa salary increase ni Duterte ay aabot sa P160,924.

Pagsapit ng taon 2019, tataas na ito nang hanggang P399,739.

Ang salary grade katulad sa presidente ay magiging epektibo lamang sa pagtatapos ng termino ng isang incumbent official.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *