Sunday , December 22 2024

Pinay pinalaya ng ASG (Negosasyon ni Duterte para sa Norwegian tuloy)

PINALAYA na ng grupong Abu Sayyaf ang Filipina hostage na si Marites Flor.

Ayon kay President-elect Rodrigo Duterte kahapon, nakipagnegosasyon siya sa Abu Sayyaf para sa pagpapalaya kay Marites Flor.

Sinabi ni Duterte, nakipagnegosasyon din siya para sa paglaya ng isa pang Abu Sayyaf hostage na si Norwegian Kjartan Sekkingstad, ngunit hindi ito natuloy dahil sa ilang problema.

“Kidnapping must stop because it has given us a very bad image,” aniya.

Sinabi ni incoming presidential peace adviser Jesus Dureza, ang paglaya ni Flor ay “act of goodwill” mula sa Abu Sayyaf.

Aniya, si Sulu Governor Abdusakur Tan ang naging instrumento sa pagpapalaya kay Flor.

Sinabi ni Dureza, si Flor, 38, ay babalik na sa kanyang hometown sa Valencia, Bukidnon.

Ang paglaya ni Flor ay naganap makalipas ang sampung araw makaraan pugutan ng mga bandido ang kanyang live-in partner na si Canadian Robert Hall, nang hindi mabayaran ang P300 milyon ransom na hinihingi ng Abu Sayyaf.

Naunang pinugutan ng mga bandido si Canadian John Ridsdel, dating mining executive, noong Abril.

Sina Ridsdel, Canadian Robert Hall, Sekkingstad at Flor ay dinukot mula sa yachts sa marina sa Samal Island sa Mindanao noong Setyembre 21, 2015.

Unang humingi ang mga bandido ng P1 bilyon bawat isa para sa mga bihag ngunit ibinaba ito sa P300 milyon bawat isa nitong taon.

Ngunit iginiit ng gobyerno ng Filipinas at Canada, na ipatutupad ang ‘no ransom policy’ sa mga kagayang kaso.

Binuo noong early 1990s at pinondohan ni Al-Qaeda chief Osama bin Laden, nakilala ang Abu Sayyaf sa pagdukot ng mga dayuhang terorista kapalit ng ransom noong early 2000s.

Sa grupo isinisisi ang matitinding terrorist attacks sa bansa, katulad nang pagpapasabog sa isang ferry sa Manila Bay noong 2004 na ikinamatay ng mahigit 100 katao.

Pinaniniwalaang mayroon lamang ilang daan tauhan, ngunit dumami sa ilang mga lugar sa Mindanao na ilang taon nang ipinaglalaban ng Muslim rebels ang kanilang independence o awtonomiya.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *