Sunday , November 17 2024

Cement bulk, hindi clinker ang kargada ng barkong sumadsad sa Cebu?

KADUDA-DUDA ang sobrang pananahimik ni Ce\ment Manufacturing Association of the Philippines (CeMAP) president Ernesto Ordonez sa sumadsad na  Panamanian-registered cargo vessel kamakailan sa pamosong dive spot Monad Shoal sa Cebu na sumira sa may tatlong ektaryang coral reefs.

Pinalabas kasi ng mga awtoridad na cement clinker ang lulan ng barko pero ilang insider sa Bureau of Customs (BOC) ang nagbisto na cement bulk ang epektos na lulan ng sumadsad na MV Belle Rose sa Cebu at kaduda-duda ang pananahimik ni Ordonez dahil natuklasang miyembro niya sa CeMAP ang posibleng nagpupuslit din ng semento sa bansa at hindi ang mga local na importer na inakusahan niya kamakailan ng technical smuggling.

Bakit naglabasan sa mga ulat na cement clinker na raw material sa paggawa ng semento ang lulan ng MV Belle Rose gayong purong bulk cement ang totoong laman nito? At bakit biglang natiyope si Ordonez na ngawngaw nang ngawngaw sa mga lokal na importer ng semento pero nagtetengang-kawali pagdating sa mga miyembro ng CeMAP?

Kung pinagbayad ng gobyerno ang United States Navy sa barkong pandigma na nakasira sa Tubattaha Reef, hindi ba’t dapat na pagbayarin din ang miyembro ng CeMAP na may-ari ng kargadang bulk cement dahil nawasak ang may tatlong kilometrong bahura sa Cebu?

Malinaw na sinisira ng CeMAP na kontrolado ng multi-national companies ang maraming lugar sa Filipinas, partikular sa Bulacan, winawasak pa nila ang ating coral reefs kaya dapat nang ipatigil ni incoming Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez ang pagmimina ng semento sa bansa at  pagmultahin ang CeMAP officials sa patuloy na pagsira sa kapaligiran.

Kabilang sa malalaking importers ng semento at cement clinkers ayon sa NCL Trading Joint Stock Company ng Ho Chi Minh, Vietnam ay mga miyembro ng CeMAP tulad ng Holcim, APO Cement at Republic Cement kaya malinaw na nadedehado ang mga lokal na negosyante na sinisiraan pa ng CeMAP.

Isyung BOC pa rin, bakit kaya ayaw gayahin ng isang deputy commissioner si Deputy Commissioner for Intelligence Group Jessie Dellosa na nag-file na ng courtesy resignation dahil ilang araw na lang ay pupuwesto na si incoming President Rodrigo Duterte.

Batid ni Dellosa na hindi siya pananatilihin ni incoming BOC Comissioner Nicanor Faeldon dahil matunog nang ipapalit sa kanya si retired Marines Lt. Gen. Juancho Sabban kaya may katuwirang umalis na siya sa tungkulin at magbigay-daan sa kanyang kahalili.

Pero kakaiba ang isang opisyal dahil kapit-tuko pa rin sa kanyang puwesto. Aba, umaaasa pa rin talaga na pananatilihin siya ni Faeldon sa puwesto.

Bago mag-eleksiyon, ipinagmamalaki ng opisyal na brod niya sa fraternity si Sen. Chiz Escudero na business associate rin niya sa negosyong malunggay tablets. Ngunit natalo si Chiz kaya naghahanap siyempre ng bagong padrino.

Pero may tsismis ngayon sa BOC na kaya ayaw mag-resign ng opisyal ay dahil nag-iipon pa siya ng pabaon mula sa mga pobreng importer.

Kalat na kalat nga na pumalag ang importer na si Mr. T., dahil humingi raw ng pabaon ang opisyal na nagkakahalaga ng P3.5 milyon. Ang masama, kahit ibinigay raw ang naturang halaga, patuloy pa ring iniipit ng BOC ang kanyang epektos kaya luging-lugi na raw si Mr. T.

Totoo ba ito Mr. Deputy Commissioner, humingi ka pa ng pabaon kay Mr. T? Aba, baka balikan ka ni Pangulong Digong dahil handa raw tumestigo si Mr. T.

Patay kang bata ka!

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *