Friday , November 15 2024

Drug test kinasahan ng solons

SANG-AYON ang ilang mambabatas sa mungkahi ni incoming House Speaker Pantaleon Alvarez na sumailalim sa sila sa drug test kung kinakailangan.

Walong kongresista ang nagsabing handa silang magpa-drug test kabilang sina Negros Occidental Rep. Albee Benitez, Isabela Rep. Rodito Albano, Cavite Rep. Alex Advincula, Cebu Rep. Bebot Abellanosa, Ifugao Rep. Teddy Baguilat, Davao Rep. Karlo Nograles, CIBAC Rep. Sherwin Tugna at Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon.

Ngunit banggit ni Benitez, dapat hindi lamang silang mga mambabatas ang ipa-drug test kundi lahat ng mga empleyado ng gobyerno at mga halal na opisyal.

“OK lang sa akin at kahit sa lahat ng government employees,” arya ni Benitez.

Habang sambit ni Tugna, magandang ideya ang drug testing sa mga miyembro ng kapulungan para palakasin ang imahe nito bilang isang institusyon.

Samantala, sinabi ni Nograles, posibleng aniyang maging magastos kung lahat ay isasailalim sa naturang pagsusuri kung kaya ang mungkahi niya ay random testing para makatipid.

Sa panig, ni Leachon, binigyang-diin niyang dapat gawing requirements ang drug tests sa paghahain pa lamang ng ‘certificates of candidacy’ para sa lahat ng posisyon para mas maging mainam.

About Jethro Sinocruz

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *