Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boylet at erpat ng isang COS naka-payroll sa opisina ng mambabatas

MAINIT na pinag-uusapan sa coffee shops ang isang chief of staff (COS) ng isang mambabatas na ang tanggapan ay nasa Pasay City.

Hindi man lang daw dinapuan ng kahit kaunting kahihiyan si COS at nagawang i-payroll ang kanyang boylet at erpat bilang sulsultants este consultants as in ghost employees.

Parang tumama nga raw sa lotto jackpot ang mag-erpat kasi wala naman silang ginagawa sa tanggapan ni mambabatas pero tuloy-tuloy ang suweldo.

No wonder kung bakit hindi natigil ang paninira ng kasalukuyang COS sa dating COS ng mambabatas. ‘Yun pala ang target niya, ang masulot ang puwesto?

Ang tikas pa naman ng slogan ng mambabatas na wawalisin niya ang korupsiyon sa gobyerno.

Pero hindi pala sila in unison ng kanyang chief of staff?

Nakakaiyak naman kasi parang walang alam ang mambabatas at napapaikot lang siya ng kanyang COS.

Sa totoo lang, maliit daw ang natatanggap na allowance ng mga staff ng mambabatas, kontrolado kasi lahat ni COS.

Hindi rin sila sigurado kung muli silang maha-hire after election.

Kaya nga ang tampulan ng tsisimisan, wala na ba araw ibang lalaki sa mundo at hinayaan niyang maging ghost employee ang kanyang boylet?

In fairness maganda si COS, tahimik at para bagang inosente’t walang alam at hindi makabasag pinggan.

Iyon pala mas matalino at mas matinik dahil nagawa niyang maisama sa payroll ang kanyang dyowa.

Nagawa rin niyang hatiin ang staff sa loob ng office ng mambabatas kapag sipsip sa kanya at sa kanyang boylet, pasok sa banga.

Pero ‘yung mga empleyadong nagtatrabaho nang tunay at totoo, gutom ang inaabot kay COS.

Sige na nga, atin nang pintahan si COS.

May letrang S sa kabuuan ng kanyang pangalan as in ‘SAKIM’ talaga sa pera at kaban ng bayan.

WHO-LAAN na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …