Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Police asset pinugutan sa Rizal

NATAGPUANG pugot ang ulo ng isang 25-anyos tricycle driver na sinasabing asset ng pulis, sa masukal na bahagi ng Brgy. Calumpang, Binangonan, Rizal.

Sa ulat na tinanggap ni Senior Supt. Adriano Enong Jr., Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang biktimang si Mark James Nadora, 25, nakatira sa Katipunan St., Brgy. Calumpang ng nabanggit na bayan.

Sa naantalang ulat ng mga awtoridad, dakong 10 a.m. kamakalawa nang matagpuan ang pugot na bangkay ng biktima sa loob ng sako sa nabanggit na barangay.

Huling nakitang buhay ang biktima nitong nakalipas na Huwebes ng hapon makaraan sunduin ng isang sasakyan.

Hinala ng mga awtoridad, posibleng may kinalaman sa droga ang insidente.

Gayonman, itinanggi ni Supt. Noel Versoza, chief of police, ang ulat na bukod sa biktima ay mayroon pang tatlong police asset na pinatay sa nasabing bayan.

Samantala, ayon sa ilang ‘insider’ sa Binangonan PNP, 20 katao na ang napapatay sa lugar sa hindi mabatid na dahilan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …