SPELL depression.
Ito ang isang klase ng sitwasyon na dumarapo sa karamihan sa atin.
At sa Sabado (Mayo 21), ito ang tatalakayin ng itatampok na episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya) na magtatampok kina Raikko Mateo at Diego Loyzaga bilang bata at binata sa katauhan ng bida sa inikutan at kinalakhan nitong kakaibang pamilya.
Inconventional family. Dalawa ang nanay. Isang biological (Precious Lara Quigaman) at (Andrea del Rosario). Sa iisang ama (Jay Manalo).
Nakatira sila sa iisang bahay. Pero sa kalaunan, iiwan ng dalawang nanay ang bata kaya hanggang sa lumaki eh, taglay nito ang isang malalang estado ng depression.
Paano kinaya ng letter-sender ang buhay na nangulila sa dalawang ina habang lumalaki?
Nagdiriwang din ng 25 taon ang MMK kaya naman maya’t mayang napapanood ang mga eksena na may mga hindi malilimutang mga linya sa mga ibinahaging kuwento ng istorya ng mga buhay ang inilalahad ng palabas.
HARDTALK – Pilar Mateo