ni Ed de Leon
SA isang “gathering” lately na hindi naman namin pinuntahan dahil hindi naman kami invited, sinasabing naipakita ng mga Vilmanian ang kanilang supremacy, dahil lumalabas na mas marami pa rin sila kaysa fans ng ibang artistang kasabayan ni Governor Vilma Santos. Ang ratio nga raw ay 3 is to 1, at iyon ay sa kabila ng katotohanan na hindi naman present doon si Ate Vi, at marami sa kanila ang ayaw sumuporta dahil ayaw na ng mga iyon na magkaroon pa ng tonong rivalry ni Ate Vi sa ibang mga artista na ang totoo ay matagal nang wala.
Kaya naman na-maintain ni Ate Vi ang ganyan karaming fans ay dahil hindi naman niya talagang lubusang tinalikuran ang acting career. Bukod doon, nang pasukin niya ang politika ay naging maganda naman ang kanyang record, kaya ang fans niya ay lalong humanga sa kanya. In fact sinasabi nga nila, maraming fans si Ate Vi na ni hindi nakapanood ng mga pelikula niya rati, pero humanga sila dahil sa kanyang mga accomplishment bilang public servant.
Talagang malayo namang malaos si Ate Vi.