PINANGALANAN na ng PCSO ang mga deklaradong kabayong lalahok sa PCSO National Grand Derby na lalarga sa Agosto 16 (Linggo). Ang mga lalahok na 3-year old na mga lokal na kabayo na lalargahan sa distansiyang 1,600 meters ay sina Princess Ella (Val R. Dilema) at ang kakopol entri niyang RockMyWorld (JP. A. Guce), Sky Hook (Pat R. Dilema), Driven …
Read More »Thompson POW ng NCAA
ISANG dahilan kung bakit nangunguna ngayon ang Perpetual Help sa team standings ng NCAA Season 91 ay ang mahusay na laro ni Earl Scottie Thompson. Napili ng NCAA Press Corps si Thompson bilang Player of the Week dahil sa kanyang mga kontribusyon noong isang linggo kung saan napanatili ng Altas ang kanilang malinis na kartang apat na sunod na panalo …
Read More »Donaire hinamon si Quigg
MABAGSIK pa rin ang kamao ni Nonito Donaire Jr. sa ipinakita niyang knockout win kontra kay Anthony Settaoul sa 2nd round sa naging laban nila noong Sabado sa Cotai Arena sa Macao. Non-title fight ang sagupaang iyon pero hagdan iyon ni Donaire para muling mapalaban sa isang pantitulong bakbakan. Mukhang hinahamon niya si WBA champion Scott Quigg ng Britain. 0o0 …
Read More »Sa UAAP season 78: Mas pinalakas na UP Fight Maroons
HALOS tig-apat na laro na lang ang natitira sa second round ng UAAP Football at hanggang ngayon napakahigpit pa rin ng karera para sa final four. Wala sa mga top team ang may kasiguruhan na makapapasok sa semi-finals—hindi gaya ng nakaraang taon. Matapos ang mga laro ng Pebrero 1, nasa top spot ang UP Fighting Maroons ni coach Anto …
Read More »3-0 asam ng SMB vs Alaska
MATAPOS na tahakin ang magkaibang landas sa pagposte ng tagumpay sa unang dalawang laro ng serye, paghahandaan ng San Miguel Beer ang pagbawi ng Alaska Mik sa Game Three ng best-of-seven championship series ng PBA Governors Cup mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Halos walang hirap na dinurog ng Beermen ang Aces sa Game One noong …
Read More »Marami ang nanliligaw sa Kia
NGAYON pa lamang ay marami na ang nanliligaw sa KIA Motors na ipamigay ang first round pick nito sa 2015 PBA Rookie Draft na magaganap sa Robinson’s Manila sa Agosto 23. Ikalawang pipili ang KIA matapos ang Talk N Text na nakakuha ng No. 1 pick overall buhat sa Blackwater Elite sa pamamagitan ng trade bago pa man nagsimula ang …
Read More »Tough opponent para kay Pacman
AYAW ni Hall of Fame trainer Freddie Roach na lumaban pa ang Pambansang Kamao Manny Pacquiao para sa isang tune-up fight sa pagbalik niya sa ring sa susunod na taon at sa halip ay naghahanap si Roach ng ‘tough opponent’ para kay Pacman. Nagpapahinga sa labas ng boxing si Pacquiao, ang kauna-unahang boksingero sa kasaysayan ng sport na nakamit ang …
Read More »Compton may tiwala sa Aces
SA ikalawang pagkakataon ngayong taong ito ay nasa finals ng PBA ang Alaska Milk. Noong Linggo ay kinumpleto ng Aces ang kanilang pagwalis sa Purefoods Star Hotdog sa kanilang best-of-five na serye sa semifinals sa pamamagitan ng 82-77 na panalo sa Game 3 sa Smart Araneta Coliseum. At para kay Alaska coach Alex Compton, magandang pagkakataon ito upang makabawi ang …
Read More »Mga hinaing ng La Salle sinagot ng Sports Vision
MULING iginiit ng organizer ng Shakey’s V League na Sports Vision na sinikap nitong imbitahan ang De La Salle University upang sumali sa second conference ng liga na magsisimula sa Sabado sa The Arena sa San Juan . Sa lingguhang forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA) kahapon sa Shakey’s Malate, sinabi ng pangulo ng Sports Vision na si Ricky …
Read More »Wala nang kalaban si Court of Honour sa Triple Crown?
TINANGGALAN ng korona si Floyd Mayweather Jr ng World Boxing Organization dahil sa di pagtalima sa regulasyon ng boxing body. Ito yung titulo na inagaw niya noon kay Manny Pacquiao nang maglaban sila sa WBO welterweight title fight. Pero ano nga ba ang “big deal” dun? Tinanggal man kay Floyd ang titulo ay hindi rin naman iyon maibabalik kay …
Read More »Mayweather tinanggalan ng titulong napanalunan kay Pacman
Tinanggalan ng titulong napanalunan niya kay Manny Pacquiao sa kanilang laban na binansagang ‘Battle for Glory’ sa MGM Grand sa Las Vegas si Floyd Mayweather Jr., dahil sa pagkabigong suumunod sa mga alituntunin, ayon sa World Boxing Organization (WBO). Hindi nagawang bayaran ni Mayweather sa tamang panahon, o deadline, ang itinakdang US$200,000 (£128,264) sanctioning fee mula sa nasa-bing world …
Read More »SMB tatapusin ang RoS
AYAW na ng San Miguel Beer na muling dumaan sa sudden-death na sitwasyon kung kaya’t ibubuhos nito ang makakaya kontra Rain or Shine sa kanilang pagtutuos sa Game Four ng best-of-five semifinal round ng PBA Governors Cup mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseuum sa Quezon City. Kung muling mamamayani ang Beermen sa Elasto Painters ay tutulak na sila …
Read More »Bobby Ray Parks susundan ang yapak ng ama
BAGAMA’T hindi napili sa 2015 Rookie Draft ng National Basketball Association ay mayroon pa namang tsansa si Bobby Ray Parks na matupad ang pangarap na sundan ang yapak ng kanyang amang si Bobby Parks at makapaglaro sa NBA. Ito ay matapos na maanyayahan siya ng Dallas Mavericks. Kailangang magpakitang-gilas nang husto si Boby Ray upang talunin ang mga iba pang …
Read More »FIBA Asia: Baldwin nais maging underdog ang Gilas
IGINIIT kahapon ng bagong head coach ng Gilas Pilipinas na si Thomas “Tab” Baldwin na nais niyang maging dehado ang national team sa darating na FIBA Asia Championships sa Tsina sa Setyembre. Sa panayam ng programang Aksyon Sports ng Radyo Singko 92.3 News FM, sinabi ni Baldwin na kailangan ng Gilas na magkaroon ng underdog na imahe para hindi ito …
Read More »Horse owner Jesuslito Testa
ISANG horse owner ang nakilala natin sa isang OTB sa Sampaloc, Manila. Si Mr. Jesuslito Testa na matagal nang nagmamay-ari ng maraming pangarerang kabayo. Kung makikita ng personal si Mr. Testa sasabihin mong hindi siya ang taong maykaya sa buhay. Simple lang kung siya’y kumilos at simpleng manamit. Pero magugulat ka pag nakita mo kung gaano siya kalakas tumaya sa …
Read More »Samboy Lim patuloy sa paggaling
UNTI-UNTING nagpapakita ng senyales na makakabangon uli ang dating PBA superstar na si Avelino “Samboy” Lim. Noong Biyernes ay naging matagumpay ang angioplastic operation ni Lim sa Medical City sa Ortigas kung saan binuksan ang dalawang blockages sa dalawa niyang mga artery patungo sa kanyang puso. Ayon sa kanyang dating maybahay na si Lelen Berberabe ng Pag-IBIG Fund, unti-unting …
Read More »PBA trades nagsimula na
KAHIT hindi pa tapos ang PBA Governors’ Cup, nagsisimula na ang ilang mga koponan sa pagpasok sa mga trades para sa susunod na PBA season. Kahapon ay inanunsiyo ng Globalport ang pagkuha nito kay Joseph Yeo mula sa Barako Bull kapalit ng isang first round draft pick sa 2016. Habang sinusulat ito ay isinusumite pa ng kampo ni Mikee Romero …
Read More »Heruela na-trade sa Barako
KAHIT parehong laglag na ang Blackwater Sports at Barako Bull sa PBA Governors’ Cup, maagang nagsimula ang paghahanda ng dalawang koponan para sa bagong PBA season sa pamamagitan ng one-on-one trade na inaprubahan kahapon ni PBA Commissioner Chito Salud. Ayon sa ulat ng www.spin.ph, ibinigay ng Elite ang point guard na si Brian Heruela sa Energy kapalit ni Carlo …
Read More »Lady Eagles hahataw sa unang araw ng V League
MAGPAPASIKLAB ang defending UAAP champion Ateneo de Manila kontra University of Santo Tomas sa unang araw ng Second Conference ng Shakey’s V League Season 12 sa Hulyo 11 sa San Juan Arena. Sa pangunguna ni Alyssa Valdez, llamado ang Lady Eagles kontra Tigresses sa unang laro sa alas-12:45 ng tanghali. Ginabayan ni Valdez ang PLDT Home Ultera sa titulo …
Read More »Russian GM pinayuko ni So
PINAYUKO ni Pinoy grandmaster Wesley So si GM Ian Nepomniachtchi ng Russia sa round 5 ng 43rd Sparkassen Chess Meeting Dortmund 2015 na ginaganap sa Germany. Pagkatapos ng 49 moves ng English opening ay pinaayaw ni third seed So (elo 2780) si Nepomniachtchi (elo 2709) sa event na may eight-player single round robin. Nakaipon ng 2.5 points si So at …
Read More »Hotshots reresbak sa Alaska
NAIS ng Alaska Milk na makaulit samantalang reresbak naman ang defending champion Star Hotshots sa kanilang muling pagtutuos sa Game Two ng best-of-five semifinal round ng PBA Governors Cup mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Binura ng Aces ang 18-puntos na bentahe ng Hotshots sa first half at nagwagi 97-91 sa Game One noong Miyerkoles. Kung …
Read More »PBA ang maglalabas ng listahan ng Gilas – Baldwin
MULING iginiit ni Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin na ang PBA at hindi siya ang maglalabas ng listahan ng 26 na manlalaro na isasama niya sa bagong national team na naghahanda para sa FIBA Asia Championships sa Tsina sa Setyembre. Sa panayam ng www.interaksyon.com/aktv, sinabi ng Amerikanong coach na makikipag-usap siya sa mga team owners at ng PBA mismo …
Read More »Compton sumugal kay Travis
PUWEDE namang pabalikin ng Alaska Milk si Wendell McKinnis para sa PBA Governors cup subalit minabuti ni coach Alex Compton na sumubok sa isang bagong import. Kinuha niya si Romeo Travis at ni-release si McKinnis na kinuha naman ng Rain Or Shine. Well, kapwa nasa semifinal round na ngayon ang Aces at Elasto Painters at kung papalarin, baka magkita pa …
Read More »Alaska vs Star Hotshots sa semis
WALANG itulak-kabigin sa salpukan ng Alaska Milk at defending champion Star Hotshots sa Game One ng best-of-seven semifinals series ng PBA Governors Cup mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Ginapi ng No. 1 seed Alaska Milk ang crowd-favorite Barangay Ginebra, 114-108 upang maunang pumasok sa semifinals. Kinailangan naman ng fifth-seed Star na magwagi ng dalawang beses …
Read More »Blatche lalaro uli sa Gilas (Para sa FIBA Asia)
KINOMPIRMA kahapon ng executive director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Renauld “Sonny” Barrios na babalik si Andray Blatche sa Gilas Pilipinas para sa kampanya nito sa FIBA Asia Championships na gagawin sa Changsa, China, mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 3. Sa panayam ng programang Aksyon Sports sa Radyo Singko 92.3 News FM kahapon, sinabi ni Barrios na …
Read More »