Sunday , February 25 2024

Rain or Shine umalagwa

052016 RoS PBA
NAGBUNYI ang koponan ng Rain or Shine pagkatapos lagukin ang Alaska Milk 109 – 92 sa Game 6 at tuldukan ang best-of-seven series 4-2 at angkinin ang kampeonato ng Oppo-PBA Commisioner’s Cup. ( HENRY T. VARGAS )

MATAPOS na makalasap ng back-to-back na kabiguan sa Games Four at Five, miinabuti ng mga manlalaro ng Rain Or Shine na magkaroon ng off-court bonding pagkatapos ng kanilang ensayo noong Lunes.

Sila-sila lang, Hindi nila isinama si coach Joseller “Yeng” Guiao o kahit na sinong miyembro ng coaching staff.

Ang pulong ay pinamunuan ng beteranong si Jeff Chan na kitang-kitang ang pagkadiskuntentado sa Game Five kung saan minura pa nga niya habang palabas ng court ang kakampng si Beau Belga matapos na matawagan ito ng deliberate foul.

Kasi nga aý lamang sila sa puntong iyon at dahil sa deliberate foul ay nabigyan ng dalawang free throws at ball possession ang Alaska Milk at nagbago na ang ihip ng hangin.

Bale wala na ang pagmumura, bale wala na ang mga kamalian, bale wala na ang dalawang talo.  Kailangang tapusin na nila ang serye kung hindi ay sila ang matatapos!

At nagbunga ng maganda ang pulong. Isinaisang-tabi ang lahat ng hinanakit. Nagyakap sila bilang magkakapatid.

At kitang-kita ang kanilang determinasyon noong Miyerkoles nang pulbusin nila ang Alaska Milk, 109-92 upang wakasan ang serye 4-2 at maibulsa ang titulo ng PBA Commissioner’s Cup.

Iyon ang ikalawang kampeonato ng Rain Or Shine buhat nang maging miyembro ng PBA.

At pinuri ni Guiao ang kanyang mga  bata.

Sa totoo lang, pinapaboran ang Alaska Milk kotnra Rain Or Shine sa serye dahil higher seed team ang Aces.

Pero nakaalagwa kaagad ang Elasto Painters, 3-0. ( SABRINA PASCUA )

About Sabrina Pascua

Check Also

FESSAP

FESSAP-APUG 3×3 Philippines didribol sa Marso 15-17

IPINAHAYAG ng One Dream Sportsman, sa pamumuno ni basketball coach Dr. Norman Afable, ang pagdaraos …

NCAA Season 99 Juniors Basketball Tournament

NCAA Juniors Basketball Tournament simula na 

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang aksiyon sa NCAA Season 99 dahil umpisa na ang bakbakan sa NCAA …

Christian Mark Daluz Chess

Sa Antonio “Bolok” Memorial Open Rapid Chess Tournament
FM DALUZ WINALIS MGA KATUNGGALI

MARIKINA CITY — Napanatili ni FIDE Master (FM) Christian Mark Daluz ang mainit na simula …

Niño Alcantara Tennis

Naging Number One Doubles Player sa Pilipinas  
NIÑO ALCANTARA UMAKYAT MULA 176 HANGGANG 169 SA ATP RANKINGS

SI NIÑO Alcantara, ang sumisikat na tennis star mula sa Pilipinas, ay patuloy na gumagawa …

Surigao Diamond Knights ACAPI Chess

Surigao Diamond Knights: Ready, excited na maglaro sa ACAPI tourney

MANILA—Sabi ng beteranong woodpusher na si Lennon Hart Salgados na team captain ng Surigao Diamond …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *